Chapter 9

618 25 3
                                    

LUDO POV

Malalim na ang gabi ngunit wala parin si Eros.

Nakatulugan na din ni Collan ang paghihintay sa Dada Eros nito.

Tumagilid ako ng higa at pinagmasdang mabuti ang mukha ng aking anak.

Hindi ko maitatanggi na magkawangis sila ng kanyang Ama.

Ang mga matang kulay abo,at ang  kilay nito na laging magkasalubong ay iisa lamang.

Ang ilong at labi sa ama din niya ito namana.

Kulay lang ang nakuha niya sa akin.

Alam ni Collan na hindi si Eros ang totoong ama nito.

Masyadong matalino ang aking anak,sa edad na apat ay alam na niya na hindi si Eros ang ama nito,dahil magkaiba daw ang kulay at hugis ng mukha nila.

Tinanong na din niya sa akin kung nasaan ang totoong ama nito.

"Where is my real dada momma?naestatwa ako sa kanyang tanong.

"I know that dada Eros is not my real father."nang wala itong marinig na sagot ay napagtuloy ito sa pagsasalita.

"It's ok momma if you don't want to answer."

Pagkasabi iyon ay niyakap niya ako ng mahigpit.

Simula noon ay hindi na ito nagtanong tungkol sa totoong ama nito.



------

Nagising ako dahil sa may kamay na humahagod sa aking buhok.

Pagmulat ko sa aking mga mata ay tumambad ang maamong mukha no Eros.

"Eros"mahinang tawag ko dito.

"I'm sorry doll,kung nagising kita."malambing na pagkakasabi nito.

Ningitian ko lang ito ng tipid.

"And forgive me for my behavior earlier,alam mo naman kung gaano kayo kaimportante ni Collan sa akin.
Ayokong nawawala kayo s paningin ko.
Pero kung gusto mo na talagang umuwi upang makasama ang iyong ina,okay lang."nakangiti ito habang nagsasalita ngunit makikita mo ang lungkot sa mga mata nito.


Kaya naman nakapagdesisyon na ako.

"Uuwi kami sa nayon,pero pangako babalik kami sayo Eros."

Mariin itong nakatingin sa akin.

"Promise"dugtong ko pa.

Bumalik ang sigla nito pagkarinig sa aking sinabi.

Napapikit ako ng hinalikan nito ang aking noo.


"Ti voglio bene"mahinang bulong nito.

"Good night doll."tumayo na ito sa pagkakaluhod sa kama at lumapit sa aking anak.

"Good night baby"

Pagkatapos halikan ni Eros si Collan sa noo ay lumabas na din ito sa aming silid.











MAFIA OBSSESION (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon