Chapter 37

604 34 10
                                    


LUDO POV

Pagkatapos kong nakausap si Azriel ng gabing iyon sa telepanong kanyang ibinigay sa akin ay pinatay ko na ito,hindi ko narin ito binuksan pa.

Kinabukasan ay maaga akong nagising,tulad ng aking nakasanayan tinubigan ko ang mga bulaklak sa hardin ni Eros.

Nasaan na kaya siya?

Hindi naman siguro siya magagalit sa akin.

Ginagawa ko ito para sa kanya,para tuluyan na niyang mabawi ang kumpanyang inangkin ni Azriel.


"Mommaa ..mommaaa."tumatakbong lumapit sa akin ang aking anak.

Pinatay ko muna at binitawan ang hawak kong hose,upang salubungin ito.

"Magandang umaga baby ko"nakangiti kong bati dito bago pinaghahalikan ang mapupulang mga pisngi nito.

"Good morning my beautiful momma."nakangiti ding bati nito sa akin.

"Ate Berta said we will go to the mall po,is that true momma?

"Opo,ayaw mo po ba?

"Yeheyy.....we're going to the mall."at nagtatalon ito dahil sa tuwa.


























UNKNOWN POV


Usap-usapan ang litrato ng mag-inang sina Ludo at Collan sa isang fb page,agaw pansin kasi ito sa social media.




Iba't-ibang papuri ang natatanggap nila sa pamamagitan ng mga nagkomento.


"Tao ba talaga ang dalawang yan?


"Sana all.



"Grabe kung ako asawa niyan hindi ko hahayaan maglalabas iyan.




"Asan ang hustisya.




"Sobrang ganda ni ate ang cute cute din nung batang kasama niya?



"Anak kaya niya yan?





Naging trending ito lalo na marami ang nagtatanong kung kaano-ano ba niya ang batang kasama nito.










Sa kabilang banda masayang naglilibot ang mag-ina sa mall na kanilang pinasyalan,walang kamalay-malay ang dalawa na pinagkakaguluhan na ang kanilang larawan sa social media.









LUDO POV

Naiilang ako sa mga tingin ng mga taong aming nakakasalubong.




Kakaiba ang mga tingin na aking natatanggap,may mga tila namamangha sa amin.

Ang mga kalalakihan ay nagtatagal ang tingin sa akin,habang ang mga kababaihan ay iniirapan ako.


Pinagsawalang bahala ko nalang ito dahil ayokong masira ang araw ng aking anak.

Hinayaan ko lang itong maglaro at bumili ng mga laruan na kanyang magustuhan.

May pera naman akong ipon.



Simula bukas ay magsisimula na ako bilang sekretarya ni Azriel,natapos na ang bakasyong aking hiningi dito.


Sa mga nagdaang araw ay wala akong ibang ginawa kundi ang ipasyal ito sa mall o kaya naman sa paborito nitong park.


Gusto kong sulitin ang mga araw na kasama siya,alam kong sa susunod na araw ay magiging abala na ako.

Wala parin akong balita kung nasaan na si Eros,hindi parin ito nagpaparamdam sa amin ni Collan.







Ayokong isipin na nag-sawa na ito sa aming dalawa ni Collan.


Alam kong may ibang dahilan kung bakit ito biglang nawala.

























THIRD PERSON POV


Napahinto sa pagmamaneho si Alejandro ng makita niya sa hindi kalayuan ang inosenteng mukha ni Ludo.


Kakalabas lang nito sa loob ng Mall na pagmamay-ari din ni Azriel.


Nakangiti ito habang may hawak-hawak na bata.

Nang pinakatitigan niyang mabuti ang mukha ng batang kasama niya ay may lumabas na ngisi sa mga labi nito.















"Tsssskkk....carbon copy,"














MAFIA OBSSESION (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon