Chapter 3

42 6 0
                                    

Aiserize's Pov

"ahh.."

"NO" ngiting saad nito at napangiwi ako

"sagutin mo na, baka mahalaga yang tawag na 'yan" saad ko, at tinignan niya ako ng masama.

"a-a-ah, wag mo akong pansinin. Wag mo na sagutin" saad ko at di ko alam gagawin sa mga oras na ganito.

Siguro may rason siya kaya ayaw niya' yon sagutin

Di dapat ako nagsalita!!

"ok, wait here." saad nito at sinagot niya na yung tawag.

At napa buntong hininga ako, akala ko katapusan ko na

Minsan talaga kailangan tumikom ng bibig ko.

Kumain lang ako habang hinihintay ko siya, at di ako masyadong mahilig sa strawberry kaya di ko pa ito ginagalaw sa cake.

At biglang pumasok sa isip ko na ilagay ito sa plato niya

"hihi" palihim kong tawa, tumayo ako at nilagay yung strawberry sa plato niya.

At di ko napansin na nandito na pala siya

"mauna na ako, may emergency" saad nito, at nakatingin lang ako sa kanya at nakatingin lang din siya sakin.

Sana hindi siya galit

Sa sandaling yun napatingin siya sa strawberry sa plato na nilagay ko sakanya, at bumalik ito sa pagtingin sakin

Kinain niya yung strawberry na nilagay ko sa plato niya at bigla itong ngumiti

Woah. Nagugulat talaga ako sa mga ginagawa niya, ang hirap hulaan kung ano gusto niyang gawin

"tapos ka naman na diba?" tanong nito sa akin at tumango ako

"then, I'll walk you home" saad nito, nagulat ako pero i felt relieved.

"wag na, kaya ko na umuwi. Saka may emergency " saad ko at napangiti (awkward smile)

"hindi naman siya ganon kaimportante" saad nito.

"hindi! Kailangan mo na pumunta ngayon!" saad nito at tumawa ng mahina.

"okay, see you tomorrow, or next next tomorrow" saad nito at tumawa ako ng palihim.

hahaha ano yun.

Nakatayo lang ako rito, habang pinapanood siyang maglakad. Nagulat ako ng huminto ito.

"mag ingat ka sa pag uwi" saad nito habang naka ngiti

Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko sa sandaling yun

"ikaw rin" ngiting saad ko rin dito. At nagpatuloy uli itong naglakad

at di ko namalayan na marami na palang nakatingin sa akin, siguro dahil sa atensyon na nakuha ni hiro kanina at napunta sa akin ang tingin nila.

At nag desisyon na rin akong umalis

Nag umpisa na akong maglakad at napahinto ako sa paglalakad

"miss, boyfriend mo ba yun? Ang swerte mo naman!!!" saad ng babaeng nasa gilid na may kasama pang dalawang kaibigan

Na excite siguro sila sa nakita nila, pero mali ang inaakala nila.

"hindi" ngiting saad ko, at nagmadali na akong umalis sa cafe.

Naglakad akong nakangiti, at di ako sanay

sobrang saya niya kasama, sa tuwing kasama ko siya nakakalimutan ko mga nangyayari sakin. kahit na medyo awkward yung nangyari kanina, ang mahalaga di siya galit

Anything For Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now