CHAPTER 40 : HIS THOUGHTS

26 4 0
                                    

Chapter 40 : I want to call you Love

Aiserize's Pov

Nasa tabi na ako ng sapa, habang si hiro ay kumukuha ng pang sapin namin para makaupo.

At nakahinga ako ng maluwag nang malaman kong hindi si hiro yung nag tanggal ng damit ko, buti talaga sumama ako!!

"okay ka lang diyan?" tanong nito habang papalapit sakin
"oo" sagot ko. bakit kaya siya napatanong

nilatag nito ang sapin, at ipinatong ko yung basket at umupo. Ganun din ang ginawa niya

"alam mo ba kung bakit gusto ko rito pumunta?" tanong nito habang naka tingin lang sa sapa

"hmm... Sa tingin ko dahil gusto mo talaga 'to puntahan dati" saad ko
"naaalala mo pa?" tanong nito sakin habang tumingin sakin at tumingin ako sa mga mata niya

"wala naman akong ibang inisip kundi ikaw, paano ko makakalimutan" natatawang saad ko at hinawakan nito ang kamay ko

"ikaw lang din ang iniisip ko nung wala ako rito" saad nito at hinalikan ang kamay ko.

Huwahhh hiro! Alam mo talaga kung paano patalunin ang puso ko

"pero, kaya ko rin gusto pumunta dito para makausap ka ng maayos. Gusto ko rin pag usapan tungkol sakin" saad nito habang hinahawi niya ang buhok ko sa tenga

"I want us to be official" saad nito. Habang nakatingin pa rin ako sa mga mata nito

"hindi pa ba tayo official" pang aasar ko habang itinaas taas ang kamay namin

"Then, you're only mine" tanong nito habang nilapit nito ang mukha niya sakin

"All yours" saad ko habang hinalikan ko ang labi nito. Hindi ako makatiis na halikan siya, dahil antagal ko walang kiss nung 7 years (char)

Natigilan kami sa pagkahalik nang tumunog yung cellphone ko, kaya parehas kaming tumingin sa ibang direksyon (shy ///)

"sino yung nag text?" tanong nito. At tumingin sa cellphone ko
"ah si seon" saad ko habang binabasa ang message ni seon

"hindi ka pa rin ba niya tinitigilan?" saad nito at ramdam ko ang pag buntong hininga nito

"hindi ko alam kung ano rin meron kay seon at gustong gusto ako" saad ko habang nag re-reply
"pero sabagay hindi ko siya masisisi" saad nito at nagulat ako sa sinabi niya

"ano?" saad ko at hinalikan lang niya akong muli

"wag mo muna siyang kausapin, just focus on me" saad nito habang nakangisi. Feel ko sasabog ako ngayon

"o-okay" saad ko at aksidente kong mahampas ang legs nito dahil natataranta ako

"aray!" saad nito
"sorry, ikaw kasi!" saad ko at tumawa ito

"so, anong mga ginawa mo nung 7 years" tanong nito at bubuksan ko na sana yung basket hindi ko na lang tinuloy

"hmm... Wala naman, nung umalis ka sinubukan kong hanapin ka pero kahit naman anong gawin ko alam kong hindi kita mahahanap" saad ko at tumingin sa tubig na umaagos

"at nag aral lang ako nang nag aral, saka nag desisyon kung ano kukunin kong trabaho. At nag hihintay lang ako lagi sayo na dumating, at tama lang din pala yung desisyon kong hindi sumuko. You're worth the wait" saad ko at nanatili itong tahimik

"at ofcourse iyak ako nang iyak nung umalis ka!" pag bibiro ko. Kahit hindi naman yun biro

tinignan niya ako nang may seryosong tingin, at yinakap niya ako bigla

"Sorry Ise, I made you cry" saad nito habang yinakap ko ito at bigla akong naiyak kahit hindi ko alam kung bakit

"wag mo na ulitin yun" naiiyak kong saad.
"yes, only a fool would do that" saad nito habang hinahalikan ang noo ko

Anything For Her (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora