Chapter 19

42 4 0
                                    

Aiserize's Pov

naglalaro kami ni Hiro ng badminton habang si daisy at lucy ay nanonood samin, hinihintay niya si hiro matapos para lang mag umpisa na uli sila

pero yung lalaking 'to, hindi nakikinig

"mag focus ka" saad ni Daisy. girl, pano ako makakafocus kung nanonood kayo samin
"Ise" saad ni hiro at lumapit sakin. inayos niya ang paghawak ko sa raketa habang nagkadikit ang kamay namin

sobrang lambot talaga ng kamay  niya.

"gamitin mo 'tong towel ko, punasan mo pawis mo" saad nito. at hinagis yung towel niya
"e anong gagamitin mo?" tanong ko sa kanya

"may extra akong towel, if you want" pag aalok ni lucy at napatingin kami sa kanya
"no thanks, mas gusto ko pang ipunas yung towel ko na may pawis ni Ise" pang aasar nito at nilapitan ko ito at hinampas

"anong pinagsasasabi mo diyan" saad ko rito at tinawanan ako
"kung hubarin mo kaya sweatshirt mo para di ka masyadong pinagpapawisan" saad nito sa akin. maganda ideya niya pero di ako nagsuot ng pangloob

"wala akong suot sa loob" saad ko rito at di ko alam bakit namula ang mga tenga nito
"you better not" saad nito at natawa ako sa reaksiyon niya

"mauna na ako" saad ni Lucy. at umalis sa harapan namin

"buti umalis na siya" saad ni daisy at nagulat ako sa narinig ko
"kaya nga" pag sang ayon naman ni hiro

maraming ayaw kay Lucy, pero kapag nakaharap naman si Lucy di nila kaya itong pagsalitaan ng di maganda

"tama na siguro ang pag prapractice niyo, mananakit ang katawan niyo kapag di pa kayo nagpahinga" saad nito. at totoo yung sinasabi niya, kanina pa masakit ang binti at braso ko

maghapon ba naman kasing nagpractice

"ang sakit din ng braso ko" saad ni hiro
"magpahinga muna tayo, ayoko na" saad ko at umupo sa may monoblock habang pinupunasan ang pawis ko

never pa ako pinagpawisan ng ganito

"dito lang kayong dalawa, may salonpass ako sa bag" saad nito at tumango ako

"hindi ba masakit katawan mo?" tanong nito sa akin
"hindi masyado" pag sisinungaling ko

"wag mong biglain sarili mo, baka sumakit yan hanggang sa event na" saad nito at kinabahan ako

"okay" maikling saad ko at dumating na si Daisy
"Aise, kunin mo. tawag na naman ako" saad nito at tumakbo

"hirap siguro posisyon kahit president ka lang ng room" saad ni hiro.
"siguro" maikling saad ko

"ako na mag lagay sayo" saad nito
"no, kaya ko!" saad ko at inagaw sa kanya yung salonpass

nilagyan ko ang braso ko, at likod. di ko masyadong maayos sa likod kasi di ko masyadong abot, di ko rin nalagyan yung binti ko kasi naka pantalon ako

binigay ko sa kanya yung salonpass at tinignan niya lang ako

"lagyan mo ako" saad nito, at tinuktukan ko ang noo nito
"kaya mo na yan, malaki ka na" saad ko rito
"di ko abot" saad nito at napabuntong hininga ako

lagyan ko na lang siya para din magpasalamat sa araw na 'to, saka di rin naman niya ako titigilan kaya gagawin ko na lang

"saan masakit sayo?" tanong nito sa akin, tinuro niya yung wrist niya, at likod niya. saka ngumiti, sabi na nga ba may binabalik ito e

tumayo ako at pumunta ako sa harap niya.

"akin na kamay mo" saad ko at kinuha yung kamay niya. dahan dahan kong nilagyan ito, habang naririnig ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko

Anything For Her (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon