Chapter 31 : HIRO'S BACKSTORY

22 5 0
                                    

Aiserize's Pov

Pangatlong araw na pero hindi ko pa rin nakikita at nakakausap si hiro, di ko alam kung ano gagawin para makita siya uli. At di ko rin alam kung ano ang dahilan at bakit bigla siyang nawala

"Rize, lumabas ka" saad ni mama na nagmamadali kaya agad akong lumabas.

"bakit yun ma?" tanong ko kay mama
"nahuli na yung nanakit sayo" natutuwang saad ni mama. Habang may dalawang pulis sa harap ng pinto

Pero hindi ako satisfied dun, gusto ko rin syang saksakin (jk)

"Ikaw po ba si Aise" saad nung pulis na nasa harapan ko
"opo" sagot ko

"nahuli na namin yung suspect, at ito ay pasasalamat lahat kay Mr. Mendez" saad nito at gulat ang naipinta sa mukha ko

"Mendez?" ulit kong saad.
"yes ma'am si Hiro Mendez. Kumuha siya ng private investigator para mahanap kung sino ang gumawa nun sa inyo" saad nito.

At onti onti kong nararamdaman na may papatak na luha sa mga mata ko kaya pinigilan ko ito.

"ah sige po, maraming salamat" saad ko at tumakbo papunta sa loob habang dumiretso sa kwarto ko

nilock ko ang pinto ng kwarto ko at bumagsak ako ng tuluyan. Tinakpan ko ang bibig ko habang umiiyak dahil hindi ko alam ang ginagawa ni hiro sa mga oras na wala siya, at wala akong iniisip kundi ang sarili ko. Habang iniisip niya yung kapakanan ko

I really miss you hiro. Gusto kitang yakapin sa mga oras na 'to

nag iisip ako ng kung ano-ano habang kumikilos siya para sakin, masaya ako dahil hindi nagkatotoo yung kutob ko.

tumayo ako at kinuha ko agad yung cellphone ko.

"Hiro, nasaan ka na? I miss you so much" pag type ko at hindi ko alam kung isesend ko ba ito. Dahil nagmumukha akong sarili ko lang iniisip ko.

Dinelete ko yung mga tinype ko at nag type ng bago

"Hiro, thankyou" text ko.

i can't stop crying. I miss him so much
.

"You're always welcome, I miss you and I Love you" reply nito at agad agad akong nag type kaso

Mag tatype na sana ako pero walang lumalabas, at hindi nag to-touch. Di ko alam kung ano nangyayari sa cellphone ko at ganito ang nangyayari

nagulat na lang ako nang madelete lahat ng messages, at onti onting nawawala ang lahat.

.

"ahhh"

nagising ako na naka sandal sa pinto, at ramdam ko ang sakit ng likod at balikat ko. Dapat talagang di ako masanay na makatulog kapag tapos kong umiyak

"nag reply siya diba?" saad ko at kinamot ang mata ko habang binubuksan yung Cellphone ko

at pagkaopen ko ay wala pa rin itong reply, kahit seen ay wala. Lalo lang sumisikip ang pakiramdam ko kapag nakikita ko ito

At ano ibig sabihin ng panaginip na yun?

"anong gagawin ko" saad ko sa sarili ko habang napahawak sa ulo ko dahil sumasakit na naman ang ulo ko

napatingin ako sa jacket na binigay sakin ni hiro, at tumayo ako agad nang may naisip ako. Naalala ko may calling card ako nung kuya ni hiro

kinuha ko ito sa bulsa ng jacket, at sinave ko ang number nito. Pero ang pinagtataka ko at hindi sila magkaparehas ng last name

sinuot ko rin yung jacket, at ito na lang susuotin ko pag labas

Anything For Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now