CHAPTER 34 : SPEECH

23 4 0
                                    

Aiserize's Pov

5 months later.

graduation na namin. Medyo kinakabahan ako dahil mag s-speech ako mamaya as a Valedictorian. Woah, Aise kaya mo 'to!

sayang nga dahil I can't graduate with him. And since that day, hindi ko na naman siya maramdaman

Ilang sandali lang ay tinawag na ang pangalan ko, kaya pumunta na ako sa harap at nagsipalakpakan yung mga tao

Woah. Huminga ka ng malalim Aise! Kaya mo 'to!

Ang mga tao ay nagsitahimik at dun na ako nag greet at nag umpisa na mag speech

nung una kong ginawa tong script na' to, muntik ko na lahat mailagay ay about sa kanya. Dahil yun naman talaga ang naging journey ko bago ako grumaduate yung kasama ko siya lagi, at para hindi mahalata na about sa kanya ito ay nilagay ko siya sa dulo ng script ko

At ito na yung part na yun.

"Sya yung tao na lagi kong kasama kahit saan man ako mag punta nung mga araw na nandito pa siya sa school na to. Kung pwede nga lang sana na sabay kami grumaduate dito, kaso nga lang masyado siyang maagang umalis. At masaya ako nung parehas kaming nasa top 5 sa isang Exam namin. Kung nag tagal nga lang siya rito baka may maganap na rivalry sa grades e (i laugh a little) o kaya siya pa yung magiging Valedictorian, hindi ako. I'm so grateful for that person, also for being part of my life" pag tapos ko sa speech ko at nag palakpakan ang mga tao. Bawat salita ko ay lumulunok ako dahil pinipigilan kong maiyak

It's half a year now, but I'm still here waiting for you.

Umalis na ako sa stage nang matapos ko ang speech ko at pumunta ako kay mama, at nagulat ako dahil kasama nito si kuya Jiro

"woah kuya Jiro!" sigaw ko at niyakap ito.

Medyo naging close ako kay kuya jiro dahil kapag wala akong ginagawa kwinekwentuhan niya ako tungkol kay hiro, at para ko na rin siyang kuya

"Congrats Ice! kung narinig lang ni hiro speech mo, pagsisisihan niya na umalis siya" natatawang saad ni kuya jiro at tumawa rin ako

"pano mo nalaman na para kay hiro!" gulat na tanong ko rito
"kayo naman laging mag kasama" saad nito na nakaganto yung mukha ¬_¬

"may point ka" natatawang saad ko.
"Buti hindi ka nautal Rize" saad ni mama. Inaasar ba ako ni mama?

"ganun po ka mahiyain si Ice?" tanong nito at tumawa si mama
"dati nung Valedictorian siya nung grade 6, halos ma utal utal siya pag nagsasalita" natatawang saad ni mama at sinabayan din ni kuya Jiro

"grabe ang sama niyo sakin" malungkot na saad ko

"nasaan nga po pala si Tito Charles?" tanong ni Kuya Jiro.
"busy siya kaya hindi makapunta" saad ko. Ako na mismo sumagot dahil alam kong di alam ni mama ang sasabihin niya

Si papa kasi hindi na siya pumupunta sa mga graduation ko simula nung nag valedictorian ako ng isang beses, nung una pumunta siya. Proud na proud pa nga siya nun pero mukhang nag sawa na siya

Narinig ko si Lucy na nag sspeech kay sumilip ako

"ah si lucy na pala nag s-speech, balik na po ako upuan ng section ko" saad ko at tumango silang dalawa kaya bumalik na ako sa upuan ko

At kahit na nag s-speech si Lucy biglang nagsipalakpakan yung mga kaklase ko at dahilan nang pagtigil ni Lucy sa pag sasalita

"hoy, tumahimik nga kayo!" mahinang saad ko na medyo pasigaw

At nag salitang muli si Lucy.

"gagi, ano naman ang naisipan niyo at bigla kayong pumalakpak" saad ko kay daisy at siniko ito

Anything For Her (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon