CHAPTER 39 : GOODMORNING

24 4 0
                                    

Aiserize's Pov

Nagising akong wala na sa tabi ko si hiro kaya bumangon ako agad at lumabas sa kwarto ko at pagkalabas ko ng kwarto ko...

"wahhh ba't naka takip sayo twalya ko" saad ko nang makita ko itong nasa lamesa na bagong ligo at naka tapis ang twalya ko sa kanya

"tanggalin ko?" saad nito habang umiinom ng kape
"h-h-huwag!" nauutal na saad ko. Siraulo pala 'to e

"hahaha. Goodmorning, kumusta pakiramdam mo?" saad nito habang papalapit sakin at hinalikan ang noo ko

ganto pala pakiramdam kapag kasama mo yung taong mahal mo sa iisang bahay

"okay na okay" mabilisan kong saad at tumawa uli ito

"umupo ka na dyan, nagluto ako ng pancake at nilagyan ko uli yung strawberry milk ng mainit na tubig" saad nito at umupo kaya umupo din ako

Napatingin ako sa baso nito, at hindi na kape ang laman nito

"nasan na ang grown adult?" natatawang saad ko, habang kumakain
"Nag jo-joke lang ako kagabi" saad nito. Hahahaha sa tingin ko di siya nag bago

"may damit ka bang malalaki diyan? Pahiram muna ako. Wala akong dalang damit" saad nito. At nabilaukan ako

"mukha bang kakasya sayo damit ko!" saad ko sabay tingin sa katawan niya. Pero napansin ko rin ang braso nito, so. Sinusuot niya pa rin pala yung bracelet

"hahayaan mo na lang akong ganito?" tanong nito. At sinamaan ko ito ng tingin

Bigla naman may pumasok sa isip ko

"nasakin nga pa rin pala yung polo mo, nilabhan ko na yun" saad ko at uminom

"ok" maikling sagot nito.
"nagulat ako, sinusuot mo pa rin yung bracelet" pag iiba ko ng usapan

"ganyan din yung reaction ko nung makita ko yung bracelet sa'yo, hindi ko naisip na sinusuot mo pa rin" saad nito

"syempre naman! promise natin yun!" saad ko habang ngumunguya
"as expected to my girl" saad nito at namula naman ako ng todo

"nakita mo na ba trend ngayon online?" tanong ni hiro. At na curios naman ako

"hindi, hindi ako gaano gumagamit ng social media" saad ko at iniligpit na yung pinagkainan ko

nagulat ako nang ipakita nito ang cellphone nito at narinig ko yung boses ko

Teka ito yung sinabi ko nun sa taas ng mall...

"huwahhh bakit yan nandyan" saad ko at inagaw ko sa kanya yung phone niya

"hahaha, ang bilis sumikat isa pa namang sikat na author ang nag confess" pang aasar ni Hiro

"puchangala, sino nag record nito" saad ko at dali-dalian kong kinuha yung cellphone ko sa kwarto

at ang dami nag me-message kahit mga co-writer ko. Aaarghhhh patay!

Leah:
Ate sobrang romantic nung confession mo
Sam:
Kaya pala nag leave ha
Jiah:
nakakaiyak!

Puchangala, ano ba kasi ginawa ko kahapon!

narinig ko si hiro na tumatawa sa may lamesa kaya hinampas ko ito

"sira ka talaga, nag eenjoy ka dyan" saad ko rito at tumawa lalo
"bahala ka diyan!" sigaw ko rito at bigla akong yinakap

"hahahaha sorry, you're just too cute" saad nito at kinikilig na ako rito pero pinipigilan ko lang
"gusto mo ba ipadelete ko yung mga post?" tanong ni hiro at napatingin ako sa kanya

Anything For Her (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon