Chapter 21

42 4 0
                                    

Aiserize's Pov

nakabalik na ako sa school at buong akala ko nandito na sila hiro, pero wala pa rin. dahil sa nakita ko sa kanya kanina Lalo siyang di mawala sa isip ko

ang hot nya teh! kung nakita niyo lang!

habang patagal nang patagal ko siyang nakakasama Lalo akong nahuhulog sa kanya, hindi ko rin napansin na in love na ako sa kanya

(A/N: hala si ante nakita lang naka suit si Hiro na inlove na. I mean sinong hindi ma iinlove diba?)

di na ako bumalik sa room at dumeretso sa pinagprapractice-an namin sa baba

"Rize, laro" pag aaya ni jay at umiling ako
"maya maya kapag nandito na si hiro" saad ko

"Kahit ilang game lang" saad nito at pumayag ako
"ilang araw na lang mag uumpisa na yung event, kaya dapat alam mo na basic skill ng badminton" saad nito at biglang sumakit ko nang sinabi niyang ilang araw na lang

pucha lagging sumasakit tiyan ko kapag kinakabahan

"ano ba mga basic skill?" tanong ko sa kanya, di ko rin alam e basta naglalaro ako
"ganto" saad nito at naglakad papalapit sakin, inayos niya yung paghawak ko at yung postura ko

"o tapos?" tanong ko rito
"kapag malapit na sayo yung shuttlecock sabay ganto" saad nito at hinawakan ang kamay ko saka niya ginalaw kung paano saluhin yung shuttlecock

girl Kahit baby alam kung paano 'to

"tabi"

napalingon ako nang maranig ko ang boses ni hiro at nagsimula na naman bumilis ang tibok ng puso ko

"ah hiro, nakarating ka na" saad ko rito, at tinignan ko siya ulo hanggang paa. naka pagpalit na siya
"ako na magtuturo kay Ise" saad nito habang di pinansin ang pag tawag ko sa kanya

"sige, ituro mo sa kanya mga basic skill" saad nito at tumabi sa isang gilid

"kumusta?" tanong ko rito at hinawakan niya ang kamay ko
"ayos lang naman naging takbo, e ikaw na enjoy mo ba ginagawa mo kanina?" tanong nito sa akin at ni-sway ang kamay ko

"huh?" tanong ko rito, at tinutukoy niya ata yung pagturo sakin ni Jay
"wala" saad nito

"di ka ba magpapalit muna?" tanong nito sa akin dahil naka uniform ako
"di na, tinatamad ako bumalik sa room" saad ko at inalis ko ang kamay nito sa paghawak sakin

"nakita nga pala kanina sa mall, napadaan ako" saad ko rito at tinungkuran yung balikat niya, bali braso na lang dahil di ko abot ang balikat niya

"kanina lang? ba't hindi mo ko pinuntahan?" tanong nito sakin at tinuktukan ako
"mukha kang busy kaya di na kita tinawag" saad ko at hinawakan ko ang noo ko

"hindi naman ako busy" pagsisinungaling nito. halata namang busy sila kanina
"ang hot mo nga tignan sa suit, sayang di kita nakita ng malapitan" saad ko at umurong agad ang dila ko

bakit ko sinabi sa kanya yung dapat ako lang makakaalam!

"pakiulit nga yung sinabi mo" saad nito at nilapitan Lalo ang mukha ko
"a-ah, a-ang sabi ko. mu-mukha kang naiiinitan sa su-suot mo" nauutal kong saad at lumalayo sa kanya

"akala ko ba magprapractice sila?"
"hayaan mo na lang sila"

pag uusap ni Jay at daisy sa gilid habang pinapanood kami

"pft galing ng palusot mo. hindi halata" saad nito at biglang tumawa

dapat talaga di lumabas yun sa bibig ko e!

"oo nga pala, wala rin si Lucy kanina" pag iiba ko ng usapan
"ah, kasama siya sa naging meeting kanina. sinama siya nung papa niya, Kahit wala naman siyang ginawa" walang ka interest na interest niyang saad

Anything For Her (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora