Chapter 12: HITO

43 5 0
                                    

Aiserize's Pov

Tapos na ang klase at itong lalaking 'to, excited na excited kanina pa. Syempre ako rin

"saan tayo pupunta?" tanong ko agad rito at iniligpit ang gamit ko
"mall" saad nito

"anong gagawin mo dun?" tanong ko sa kanya
"memories. With you" saad nito

"h-huh?" saad ko at lumingon sa ibang direksyon

Di ako makatingin ng deretso sa kanya kapag seryoso siya, I can tell kung inaasar nya ako, o kaya seryoso siya

(A/N: sinungaling. Mas naiintindihan mo pa nga ang math problems kesa sa nararamdaman mo)

May langaw bang dumaan?

"dalian mo, nandyan na driver natin" saad nito. At medyo napangiti ako habang di ko pinapahalata

sinasabi niya sakin dati na 'driver ko' ngayon 'driver natin' just thinking of that makes me blush, di ko alam kung sinasadya niya ba sabihin yun para ipaalam na close kami. Alam ko naman na close na close kami to the max na gusto ko kasama ko siya lagi

at sa tingin ko, onti-onti ko syang nagugustuhan. hindi ko pa 'to naramdaman, kahit na kay seon. Kapag kasama ko si hiro, di ko alam ngunit pakiramdam ko naligtas ako. Simula nung nandito siya sa tabi ko, lagi akong nakangiti. At masaya rin ako kapag nakikita ko siyang ngumiti dahil sakin

"ilalagay mo rin ba yung upuan sa bag mo?" pang aasar nito, at nagsimula na kaming naglakad papalabas sa room.

"Rize!" pagtawag nito sa akin nang pagkalabas ko, lumingon ako at nakita ko si Daisy
"bakit?" tanong ko at parehas kaming tumigil ni hiro

"uuwi ka na?" tanong nito sa akin
"ah, hindi pa. bakit?" tanong ko rito

"saan kayo pupunta?" tanong uli nito
"sa mall" maikling sagot ko

"pwedeng sumabay na ako sa inyo? Please ngayon lang. may bibilhin din kasi ako sa mall" saad nito at nag mamakaawa

"ah-" putol na saad ko
"sumabay?" ngising saad ni hiro at nakataas ang isang kilay nito
"kung sinabi ba ni Ise na uuwi na siya sa bahay niya sasabay ka?" saad nito at patuloy lang na nakangisi at hinawakan ko ang dulo ng damit nito

Pero ngayon ko lang din napansin. Kanina tinanong niya kung uuwi na ako, at nung sinabi ko sa kanya na pupunta kami ng mall. Bigla itong may kailangan bilhin, edi sana nung una pa lang sinabi niya na. hindi yung bigla siyang may kailangan bilhin nang masabi kong sa mall kami pupunta

"hiro" pag tawag ko sa pangalan niya
"sige, sumama ka na" ngiting saad ko sa kanya

"what? No" saad ni hiro sa akin, at muli kong hinila ang dulo ng damit niya
"pasamahin mo siya, I have to figure out something" bulong ko sa kanya at inirapan ako nito

"dukutin ko yang mata mo" natatawa kong saad sa kanya, parang baliw 'to

"okay, let's go" saad nito at nag umpisa na kaming maglakad. At hanggang sa makarating na kami sa kotse ni hiro

Si hiro nasa bintana, at ako yung nasa gitna. At nasa kabilang bintana naman si Daisy, grabe init kahit naka aircon. Bakit ba kasi ako ang pinag gitnaan ng dalawang 'to.

"congrats nga pala sa inyong dalawa, hindi ako nakapag congrats kanina" ngiting saad nito.

"hiro. Ikaw lang ang transferee na nakaagaw sa pagiging first lagi ni Aise, sobrang galing mo" saad nito at parang na aawkwardan ako sa sinasabi ni daisy.

Kailangan nya ba yan sabihin kay hiro, habang nandito ako sa gitna?

"pano ka ba mag aral?" tanong nito at parehas kami ni hiro napalingon sa kanya.

Anything For Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now