47 : PROPOSAL

19 4 0
                                    

Aiserize's Pov

"Love, saan tayo pupunta ngayon?" tanong ko sa kanya habang nag lalakad kami sa daan
"kung saan tayo dadalhin ng paa natin?" saad nito at muntik na akong matumba. baliw talaga 'to e

"saan naman kaya tayo dadalhin ng paa natin" mahinang saad ko (walang intention na iparinig yun kay hiro)

"halaaaaaaa"
"diba siya yung author na naglabas ng bagong libro?!"
"wahhh, kilala mo rin siya? binabasa ko lang ang libro niya kanina"

"Hello po!"

natigilan kami sa pag lalakad ni hiro nang may humawak sa braso ko

"ah, hello. anong problema?" tanong ko rito
"wala po, fan niyo po ako. sobrang ganda po ng mga story na sinulat mo" ngiting saad nito. at nakakatuwa naman dahil may nakakakilala sakin

"thank you sa pagsuporta at sa laging paghihintay!" ngiting saad ko
"okay lang po ba kung magpapicture po kami sayo?" tanong nito at tumango ako
"love, sandali lang" saad ko at tumango lang ito

naglakad ako papunta sa kanila, at pinipicturan kami nung isa nilang kasama. sa mga nababasa at napapanood ko yung kasama nung isang tao yung mag pipicture sa kanila, pero siguro hindi nila mahingian ng pabor si Hiro kasi nakakatakot siyang tignan, hahahha.

naaawa ako sa mga taong di nakakaalam ng ibang side ni hiro.

"thankyou po" sabay nilang saad at nag lakad na ako pabalik kay hiro
"wait lang po, ako rin" saad nito kaya napakamot sa ulo ang kaluluwa ko

hindi ko rin alam na may fanboy pala ako hahhaha.

pinicturan din kami nito, at nagulat ako dahil lumapit ito masyado sabay hinawakan ang bewang ko. hindi ako komportable sa ganito

nag lakad papunta samin si hiro, at hindi pa ito nakakalapit ay may naaamoy na akong danger...

umusog na agad ako bago pa makapunta samin si hiro, pero hinawakan pa rin nito ang kamay nung lalaki

"kung picture, picture lang ha? wala nang hawak hawak. hindi mo ba nakikitang di siya komportable?" saad ni hiro habang nakangiti. buti na co-control niya yung temper niya ngayon

(A/N: sa lagay na yan?!)

"ah sorry po, hindi ko yun bal-"
"then we're leaving?" ngiting saad pa ni hiro at hinawakan ang bewang ko

that's my boyfriend!

"hey, you should've said if you're uncomfortable. and why are you smiling like that, huh?" saad nito at niyuko niya ang ulo niya papalapit sakin
"wala, sa tingin ko ang cool mo kanina" saad ko habang tumatawa

"what do you mean? I'm always cool" saad nito at inirapan ko ito
"but I'm the coolest" ngising saad ko rito
"of course you are" saad nito at pinisil ang pisngi ko

"aray!" sigaw ko
"cutest* I mean" saad nito habang tumatawa
"tigilan mo nga ako hiro!" sigaw kong muli at nagulat ako dahil tumigil ito sa pag lalakad

"hiro?" nalulungkot nitong saad at tumawa ako ng palihim
"yes? what's wrong hiro?" pang aasar ko rito
"edi okay, Aiserize" saad nito at nag lakad ng mabilis

"hoy teka lang, hindi ka naman mabiro!" natatawang saad ko at hinabol ito

hindi pa ako nakakalapit sa kanya ay bilang may humila sakin. at nalaman ko na lang na nasa loob na ako ng Boutique

"bakit ngayon ka lang? kanina ka pa naming hinihintay" saad nito at hindi ko maintindihan ang pinagsasasabi niya. di ko maalala na may appointment ako ngayon?
"huh? teka lang po-"
"wala ng teka teka pa! tara na! ikaw lang yung model na na-late" saad nito at hinila akong muli

Anything For Her (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon