Chapter 17

44 3 0
                                    

Aiserize's Pov

nauna na akong pumasok kay hiro, dahil sinabi niya na may gagawin pa siya. kaya mas nauna ako sa room

"pinapapunta tayo sa stage ng school, dalian niyo" saad ni pres daisy samin
"tara sabay na tayo" saad ni Mira sa akin, at hinila ako nito

"teka" saad ko at binitawan niya ako
"hinihintay ko pa si hiro, mauna ka na" saad ko

"sige" maikling saad ni mira at nauna na

anong oras ba papasok yung lalaking yun?

"Ise" pag tawag nito sa akin at agad akong lumingon
"akala ko nandun ka na sa stage, bat nandito ka pa?" dagdag pa nito

"hinihintay kita, ang tagal mo" saad ko
"sorry, tara na" saad nito at hinawakan ang bewang ko

dug.dug.dug

please ipunta niyo ako sa hospital ngayon na!

.

ilang minuto lang ay nakarating na kami sa stage ng school, at may bakanteng upuan sa harap kaya dun kami umupo kasi dun din naka upo ang section namin

umupo na kaming dalawa at nandito lahat ng ssg president sa stage

"goodmorning everyone" saad nung ssg president sa harap ng stage

"magkakaron ata ng event"
"omg, nakakaexcite"
"wala na naman gagawin, hahaha"

usapan ng mga estudyante dito nang mag goodmorning si president, at di ko alam kung ako yung kinakawayan ni seon sa direksyon na 'to, tas yung katabi ko nakasimangot na naman

hindi lang siya president ng section  nila, kundi isa rin siyang officer

"so, alam naman na natin kung ano ganap kapag nandito ang ssg officers" saad nito at lahat sila nagsisigawan

"matagal pa ba 'to?" tanong ni Hiro sakin
"ito, di makapaghintay" saad ko rito habang inirapan ito

"ngayong nagsilabasan na ang result ng exam, magkakaron tayo ng events. bago natin ito pag usapan, tawagin muna natin ang top 5" saad nito at bigla akong nanginig

"kinakabahan ka ba?" tanong nito sakin at umiling ako
"anong hindi?" saad nito at hinawakan ang kamay ko

"kung gusto mo wag na lang tayo pumunta" saad nito sa akin
"no, pupunta tayo" saad ko. hindi pwedeng di kami pumunta top 1 si hiro

hindi naman kasi nila sinabi na ngayon yung araw na 'yon, akala ko announcement lang

"Top 1, Hiro Jelal Mendez" saad nung speaker at pumalakpak ako hanggang sa mamula ang kamay ko. at di ko alam kung bakit di pa ito naglalakad sa harapan

"nasan na si Mr. Top 1?" tanong ni Pres. at pinagtinginan si hiro habang hinahatak ko ang dulo ng damit nito

"hoy, pumunta ka na" saad ko
"teka" saad nito. at napatingin ako sa stage nakita kong binubulungan ito ni seon

"Top 2, Aiserize Hernandez. ito yung former top 1 natin, ang ganda talaga ng pangalan" nakangiting saad nung president, di talaga siya nagsasawang sabihin maganda ang pangalan ko kapag tinatawag ako sa harap

"tara na" saad ni Hiro at hinawakan ang kamay ko, bosit tong si hiro hinihintay lang pala akong matawag

"wow, close na close ata si Mr. Top 1 at Ms. Top 2" saad nito at para akong mamumula sa sobrang hiya ko

nakaakyat na kami sa stage, at pinalakpakan kami ng mga tao

"Top 3. Lucy Mendoza" saad nito at umakyat si Lucy sa stage habang ang mga estudyante malakas ang pagpalakpakan as expected sa Queen bee

Anything For Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now