Chapter 9

42 5 0
                                    

Aiserize's Pov

Di ko talaga alam kung paano nakarating 'tong lalaking 'to dito.

"ituro mo sakin 'to pleaseee" pang aasar nito habang itinuturo ang problem sa math
"pagkatapos nito, umalis ka na rito" saad ko

"no" saad nito habang nakangiti

Sigh.

"kung pumunta na lang kaya tayo sa library? At wag dito sa pamamahay ko" saad ko rito

"hmm..." pag iisip nito

Please, pumayag ka. O itatapon kita papalabas

"inaaya mo ba ako mag study date" ngising saad nito.

h-h-ha, anong pinag sasasabi ng lalaking lto. Anong study date

Pero ito yung exactly kong nasa isip kanina.

"no i-i-i-" nauutal kong saad at di ko na tinuloy ang sasabihin ko dahil tinawanan ako nito

"alam mo, tigil tigilan mo nga akong asarin" saad ko rito at tumalikod

"tara" biglang saad nito, at napa buntong hininga na lang ako

"okay, magbibihis lang ako" saad ko
"wag ka na mag palit, ayos na yang suot mo" saad nito at napatingin ako sa sarili ko

Pinapatawa ba ako ng lalaking 'to, e mukha nga akong tambay sa suot ko

"ah, basta. Mag papalit ako" saad ko. naglakad na ako papaalis sa sala, at pumunta na ako sa kwarto.

Ano ba magandang suotin?

"huh?" bulong na saad ko sa sarili ko

Aba, kailan pa ako namroblema sa susuotin ko.

"matagal pa ba 'yan?" pagrereklamo nung isa

"ito naaa" sigaw ko at pumili na lang ng kahit ano na damit.

Lumabas na agad ako nang matapos kong mag suot ng damit

"tara" saad ko rito, at di ko maintindihan kung bakit ito na gulat.

Nag suot lang naman ako ng palda, at longsleeve sa top.

"o-okay" nautal nitong saad habang hawak nito ang bibig niya

Ngayon ko lang siya narinig na nautal, ang cute.

Anong cute? Hindi. Di ako nag sabi nun

Naglalakad lang kami ng tahimik, at napa isip ako kung ano ang nasa isip niya.

Tahimik siya ngayon, ano kaya problema nito.

(A/N: talent – leave a man speechless)

"gusto mo ba talaga pumunta sa library?" tanong ko rito, dahilan ng pagkabasag ng katahimikan.
"no" maikling saad nito

"sa iba na lang kaya tayo pumunta?" ngiting saad ko rito, para mabago ang mood niya kailangan niya gumala

"no" muling saad na naman nito.

"seriously? Ano ba talagang gusto mo?" kunot noo kong tanong sa kanya
"YOU"

Bigla ako napatigil sa paglalakad ng marinig ko ang sinabi nito, tama ba yung narinig ko?

Tinignan ko lang ito. at tila ba parang sobrang bagal ng pag galaw ng oras. Pati ang pag hawi ng hangin sa buhok ko ay mabagal , pati ang mga dahon na nahuhulog sa baba.

Pero yung puso ko. sobrang bilis nito sa pag tibok

"HAHAHHAHAHA" pag tawa nito bigla ng malakas at saka lang ako natauhan. At halos mamatay na ako sa kahihiyan.

Anything For Her (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon