CHAPTER 37 : YOU CARELESS GIRL

23 4 0
                                    

Chapter 37: You careless girl (he said)

Aiserize's Pov

"Rize, okay ka lang? Anong nangyari?" tanong sakin ni Seon kaya pinunasan ko agad ang luha ko at tumayo

"ayos lang ako, pasensya na Seon. Uuwi na muna ako" saad ko

"sige, ihatid na kita" saad nito at tumango ako

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahay ko na wala akong sinasabi

binuksan ko yung ref at uminom ako ng tubig, baka napagkamalan ko na naman si hiro yung nakita ko kaninang lalaki

Pero parang siya talaga yun.

sa tingin ko kailan ko lang talaga ng pahinga.

Humiga ako sa may sofa habang minamassage ang ulo ko, kahit na ilang taon na talaga naghihintay pa rin ako

kinukumbinsi ko minsan ang sarili ko na naka move on na ako, pero maalala ko lang siya bumabalik akong muli sa nakaraan

pinagpahinga ko ang sarili ko at hinayaan ko ang sarili ko na makatulog sa sofa

...

Next day

Papunta ako ngayon sa bahay ni Kuya Jiro, para alamin kung nakauwi na talaga si Hiro. Alam kong alam niya kung nandito na si Hiro o hindi

Nang makarating ako, pinindot ko ang doorbell ng bahay ni Kuya Jiro. Sana nandito siya ngayon

"oh Ice, ang aga mo naman?" saad ni Kuya Jiro at pinag buksan ako nito ng gate

"Kuya Jiro, nakauwi na po ba si hiro?" tanong ko sa kanya at gulat ang naipinta sa mukha nito

"si h-hiro? H-hindi pa" nauutal na saad nito
"hmm" saad ko rito at tinignan ito ng masama

"pumasok ka muna sa loob, malamig sa labas" saad nito at pinapasok ako sa loob at umupo ako sa may sofa

"bakit mo nga pala sinabing nakauwi si hiro?" tanong nito sakin. At di ko alam bakit dinidiinan niya pangalan ni Hiro

"pumunta kasi kami kahapon ni Seon sa mall kahapon, at may nakita akong lalaking katulad na katulad ni hiro. Pero di ko rin masasabi kasi likod lang ang nakita ko sa kanya" pag kwento ko rito

Nagulat ako ng may tumunog sa may kusina at napasilip ako habang hinaharangan ako ni Kuya Jiro

"may nahulog ata" saad ko
"ah hayaan mo yun, baka yung laruan ko lang" saad nito at hindi ko alam ang sinasabi nito

"baka ako yung nakita mo kahapon, hindi si Hiro" dagdag nito at imposible dahil iba ang style ng buhok nito

"hindi, hindi ganun hairstyle mo e" saad ko
"baka napagkamalan mo na naman yung mga nag lalakad na si hiro" saad nito at napabuntong hininga

"siguro nga. Akala ko pa naman talaga si hiro na" saad ko at napatingin sa sahig

At nagulat ako dahil may nahulog na naman mula sa kusina

"sige kuya Jiro, mauuna na ako" saad ko.
"sige Ice, mag iingat ka" saad ko at niyakap ko si Kuya Jiro

"hahaha" saad nito at binigyan ako ng headpat

At bigla na naman may nahulog sa kusina

"tignan mo na yung nasa kusina kuya, baka kung ano ano na nahuhulog dun" saad ko

"oo nga, baka yung kotse ko yun biglang umaandar yun" saad nito at tinawanan ko na lang ito

lumabas na agad ako, at napabuntong hininga. Hindi talaga ako tinatantanan ni tadhana bigyan ng false hope

Anything For Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now