CHAPTER 42

24 4 0
                                    

Aiserize's Pov

nauna na umalis si love, ay i mean si hiro. Dahil mag papalit pa siya ng damit

pero mas prefer ko kung naka suit pa rin siya TT. Char ang init init

at ngayon nagbibihis ako.

"okay na siguro 'to" saad ko sa sarili ko habang inayos yung tali ko

At may naisip na naman akong kalokohan kaya kinuha ko yung cellphone ko, at tinawagan ko si daisy

"hello" saad nito.
"wala ka bang pupuntahan ngayon?" tanong ko sa kaniya
"sakto, wala. Tara gal-" putol na saad nito
"sorry, may date ako" saad ko at agad agad ko itong binabaan

tumawa ako ng malakas nang ibaba ko yung tawag, at tumawag ito nang pabalik

"hoy, anong date?! Kailan pa?!" gulat na saad nito.

Hindi niya pa ata alam na nakauwi na si hiro.

"hmm, nung nakaraan" pang aasar ko
"weh. Wag mo 'ko lokohin girl, i know you" saad nito at gustong gusto ko na sabihin yung pangalan ni hiro

"bahala ka kung ayaw mo maniwala, bye na. Baka mahuli pa ako" saad ko at bababaan ko na sana ito nang sumigaw ito

"te-teka, teka. Kanino?" saad ko at ngumisi ako kahit hindi niya ako nakikita
"kanino pa ba? Syempre kay hiro" saad ko. At natawa ako dahil nag request ito ng video call kaya inaccept ko ito

"nasan, nasan" saad nito. At tawang tawa ako sa reaction niya
"wala pa siya, siguro maya maya darating na yun" saad ko

"baka niloloko mo lang ako ah, ok lang yan. Makaka move on ka rin" pakikiramay nito at sa tingin ko di pa rin siya naniniwala

"luh, pustahan?" pag aaya ko sa kanya
"o sige, yung brand new Laptop ko. Di ka na lugi 50k 'to" saad nito at ang laki ng ngiti sa mukha ko

"sige, buhay ko na akin" natatawa kong saad

"Love" nagulat ako nang tawagin ako ni hiro. Kaya dali dalian akong tumakbo papunta sa kanya

"ano nangyari, ba't ka nagmamadali" saad nito at niyakap ako.
"naaalala mo pa si daisy?" tanong ko sa kanya at pinakita ko kaming dalawa ni hiro.

"holy $h¡t!" gulat na saad ni daisy at dahilan nang pagkatawa ko
"oh, hi" saad ni hiro at kumaway kaway

"akin na yung brand new laptop mo, walang bawian!" saad ko habang tumatawa
"bakit niyo 'ko pinagpupustahan ha" saad ni hiro. At hinalikan ang pisngi ko

"ano ba yan, gagawin niyo na naman ba yan sa harapan ko" saad ni daisy. At pinatay yung tawag at tumawa ako nang malakas uli

"anong meron?" takang tanong ni hiro
"ayaw niya maniwala na nandito ka na, tamang tama yung dating mo" saad ko

"hahaha, all thanks to me may bago kang laptop" natatawang saad ni Hiro
"yes, thankyou love" pagbibiro ko

"ok, then give me a kiss" saad nito at tumingkayad ako sabay halik sa kanya

"let's go" ngiting saad nito at hinawakan ang bewang ko

"OK" saad ko agad. Baka mapasigaw ako

Pumasok na agad kaming dalawa sa kotse niya, at pinaandar niya agad ito.

At bigla akong may naisip

"pahiram nga ako ng phone mo" saad ko, at lumingon sa kaniya

"kunin mo sa bulsa ko" saad nito. Kaya lumapit ako ng kaunti sa kanya at bigla niya akong hinalikan

"hoy, mag focus ka mag maneho!" sigaw ko rito
"hahaha, i love you!" ngiting saad nito kaya hindi ko na lang ako nag salita

Ano pa nga bang magagawa natin, nag i love you si boss e

Anything For Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now