Aiserize's Pov
Ngayon na yung araw ng event, at grabe!!!! Ang dami ng nagtitinda ng mga pagkain, meron din mga laruan at iba't iba pa. para 'tong fiesta
Ako naman dito sa isang gilid na nanginginig.
Kahit mamayang hapon pa para sa badminton, di ko mapigilang manginig. Ngayon pa lang ako sumali sa ganito
Tas si Hiro nandun sa backstage naghahanda para sa mangyayaring Mr. and Ms.
"ah, ikaw lang mag isa dito?"
Napalingon ako sa nag sabi nun, at nakita ko sis eon
"ah seon, ikaw pala" saad ko at tumayo
"long time no talk, andami kasing ginagawa" saad niya"kaya nga" maikling saad ko
Malaki rin pala ang advantage ng mga kasali sa event, hindi ka na tutulong sa mga nag hahanda
"katulad ng sinabi ko, wag ka masyadong kampante pa rin sa tabi niya" saad nito at tinignan ko ito ng masama
"kung yan lang ang sasabihin mo, gawin mo na lang ang gagawin mo" saad ko rito at tumalikod, di pa rin ba siya tapos kakaganyan niya
"ah teka Rize, hindi yun ang ipinunta ko rito" saad nito at hinawakan ang kamay ko"natutuwa ako dahil pumunta ka sa event na 'to, pwede kitang samaan kahit saan mo gustong pumunta" saad nito
"hindi, ok lang ako na mag isa" saad ko"pag bigyan mo na ako Rize, tutal ngayon na lang din tayo uli magkakasama. Nakakamiss kasama ka maglakad" saad nito at napabuntong hininga ako
Wala naman akong magawa, magmumukhang masama lang ako kung di ako sasama sa kanya. Totoo ngang naglalakad kami minsan na magkasama, pero naiinis ako tuwing may sinasabi siyang di maganda kay hiro
"o sige sa isang kundisyon" saad ko rito at humarap sa kanya
"sige kahit ano" ngiting saad nito at ngumiti rin ako"wag ka na uli magsasalita ng kahit na ano kay hiro, malinaw?" saad ko at tumango siya
"Mabuti naman kung ganon" dagdag ko paGanto ang seon na nakilala ko.
Naglakad kami sa kung saan saan at nilibot namin yung buong school na kasakop ng event
"goodluck nga pala sa magiging laro mo, galingan mo at nanonood ako" saad nito
"ngayong pinaalala mo yan nanginginig na naman ako" saad ko habang nangangatog yung tuhod"hahahha, di ka talaga sanay noh?" natatawang saad nito at tumango tango ako
"ah, teka. Mukhang masarap yun" saad ko at tinuro yung mais na may cheese
"tara subukan natin" saad nito at dalawa kaming tumakbo papunta sa nagtitinda ng sweet corn"ate, dalawa nga po" saad ko, at inabutan niya kami agad
Kinain ko na agad nang pagkabigay niya samin nito, at grabe ang sarap! Favorite ko to dati ng bata ko, at naaalala ko nagtae pa ako nun pero wag na natin pag usapan yun
"grabe mukhang masasarap talaga hinanda nilang pagkain, tara subukan pa natin yung iba" saad ni seon
"kaya nga tara! Pagsisisihan ni hiro kapag di siya nakatikim ng mga 'to" natatawang saad ko"buti nga sa kanya" nagagalit na saad ni seon at binatukan ko ito
"ba't ba galit nag alit kayo sa isa't isa" natatawang saad koTumakbo ako sa may nagtitinda ng ice cream, waaaahh! Gustong gusto ko ang event na 'to
"mag dahan dahan ka baka madapa ka" saad ni seon habang tumatawa
"kuya, strawberry flavor nga" saad ko, haha dahil kay hiro naging mahilig na rin ako sa strawberry
"o sige, gusto mo ba may flower na design?" natutuwang saad nito habang kinukuha yung cone
YOU ARE READING
Anything For Her (COMPLETED)
Romancestarted: Jan 07 Ended on: February 19 Status: completed