Chapter 29 : I WILL ALWAYS DO

30 4 0
                                    

Aiserize's Pov

huwahhh sobra akong napagod dahil kahapon, idagdag mo pa kakulitan ni hiro.

Pero sa huli, di ko rin nagawang magtanong sa kanya, pero sa tingin ko ayos lang basta mananatili ang lahat sa ganito

"Rize" sigaw ni mama
"bakit po?" tanong ko kay mama habang lumabas ng kwarto

"idala mo raw ito sa kaibigan ng papa mo" saad nito. At napabuntong hininga ako

"di ko alam kung saan yun" saad ko at napakamot ng ulo.

"sa bahay nila Lucy " saad nito. At napalunok ako

"ah, s-sige po" saad ko at di na lang umangal dahil utos ito ni papa

Nag palit lang ako ng damit at nagsimula na umalis.

huminto ako saglit para mag hanap ng tricycle, dahil malayo layo ang bahay nila Lucy

Si papa kasi di pa binigay to nung nagkita sila, arghhh

"kuya" pag tawag ko sa tricycle at hinintuan ako nito. Kaya pumasok ako kaagad sa loob

kinapa kapa ko ang bulsa ko at napahampas na lang ako sa mukha ko

"arghhh, di ko nadala yung cellphone ko!!" saad ko habang hinampas hampas yung ulo ko

Sa dami ko pang makakalimutan yung cellphone ko pa, haist tanga tanga talaga

Ilang minuto lang nakarating na ako sa destinasyon ko.

Pero maglalakad pa ako ng onti dahil dito lang pwede yung tricycle

Naglalakad lang ako nang may narinig akong plastic bottle na tumunog sa likod ko kaya napalingon ako. Pero pagkalingon ko, wala namang tao, bigla na lang akong kinabahan

Kanina pa ako naglalakad at onti lang yung tao rito, saka naman akong may narinig na nasa likod ko.

nagtangka akong bilisan ang lakad ko at nagulat na lang ako ng may humawak sakin na sobrang higpit

"huwag kang gagalaw" saad nito at nanghina ang buong katawan ko at nabitawan ko ang hawak hawak ko

Gusto kong sumigaw pero di ko magawa, gusto kong tawagin ang pangalan niya pero hindi ko magawa

"ikaw pala yung tinutukoy niya huh, kakaiba rin ang type niya" saad nito at di ko alam ang mga pinagsasasabi nito

Sinubukan kong mag self defense at lalo lang nito hinigpitan ang hawak hawak sakin, at di ko na lang namalayan na may patalim na pala sa bandang tagiliran ko at may dugong tumutulo

"a-ah, ba-bakit ka gumalaw. Tatakutin lang naman sana kita" saad nito at sabay tumakbo

Bumagsak na lang ako sa mga sandaling umalis ito at tumulo ang mga luha ko.

Sinira ko ang damit ko at pinalibot ko ito sa tiyan ko para mag silbing bandage, at yung vision ko onti onting nagiging blurry

Third Person Pov

Nahimatay si Aise nang marami na ang dugong tumulo galing sa tiyan niya, at walang masyadong dumadaan na tao ngayon kaya walang nakakakita sa kanya

Habang yung lalaking nakasaksak sa kanya, ay may tinatawagan

"anong gagawin ko?!" sigaw nito sa telepeno
"siguraduhin mo lang wala kang iniwan na evidence, kung hindi ako na mismo ang papatay sayo!" galit na saad nito sa kausap niya

Ilang minuto lang marami na ang taong nakakita kay Aise, at tumawag na ng ambulansya. Buti na lang nilagyan niya ang sarili niyang sugat upang matigilan ang pagdurugo

Anything For Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now