Chapter 24

41 3 0
                                    

Aiserize's Pov

Lumabas na si lucy at hiro, at tignan mo yung babaeng 'to.

Grabe ang pagkahawak niya kay Hiro, gusto ko alisin mga mata ko

At para naman akong mabibingi sa tilian ng mga tao. Grabe kahit lalaki, siguro dahil napakaganda talaga ni Lucy

"okay lang yan Aise, di pa katapusan ng mundo" saad ni Daisy at hinagod hagod yung likod ko

"bagay sila" saad ni seon sa gilid

Kung di ko lang talaga kilala 'tong dalawang 'to, kanina ko pa sila sinapak

"pwede ba, magsitigil nga kayo" saad ko rito na may mahinahon na boses at the same time naiinis na boses sa dalawang katabi ko

Bumalik na sila sa likod ng stage, at buti naman. Baka matanggal ko ng tuluyan mata ko e

"hahaha, nakakaenjoy pala 'to" nasasaad ni seon. wow di ko alam na magiging mahilig siya manood ng ganitong event

pumapalakpak kaming lahat at biglang tumunog yung cellphone ko, kinuha ko 'to sa bulsa ko at tinignan kung sino ang tumatawag

"ah, si mama" mahinang saad ko sa sarili ko.

dapat talaga pigilan ko sarili ko na hindi isipin kapag tumutunog yung cellphone ko ay si hiro yung tumatawag

"teka lang" saad ko sa mga kasama ko at umaalis sa kinauupuan ko
"saan ka pupunta?" sabay na tanong ni daisy at seon

"tumatawag si Mama" saad ko at tumango si Daisy
"samahan na kita" saad ni seon at tumayo

"ah hindi na, saglit lang 'to" saad ko at umupo siya uli

pagkaalis ko sa crowded place na yun, sinagot ko agad yung tawag

"ma, bakit yun?" tanong ko kay mama
"nakauwi na ang papa mo, sana madali lang matatapos yang event" saad ni mama

"ah ganun po ba? kaso satingin ko po mukhang matatagalan kami" saad ko. at tumingin sa event

"ma, hindi ba siya bad mood ngayon?" bulong na tanong ko kay mama
"wag ka naman ganyan sa papa mo rize, o sige mag enjoy ka na dyan" saad ni mama at agad agaran na binaba ang tawag

at napabuntong hininga na lang ako. hay nako si mama, mabilis kasi siya magpatawad kaya siya ganyan. pero kahit naman ganun si papa mahal ko pa rin naman siya kaso nga lang

"bakit ka napapabuntong hininga dyan?"

halos mapatalon ako sa lalaking nagsalita at pamilyar ang boses niya. nang pagkalingon ko nakita ko yung lalaking nakasabay ko kumain sa ncdo

"kumusta?" dagdag pa nito
"ah ikaw pala" saad ko at nilapitan niya ako

bakit kaya siya nandito?

"bakit mag isa ka lang?" tanong niya sakin
"ah, may tumawag kasi sakin kaya umalis ako sa event na yun" saad ko at tinuro yung Ms. and Mr.

"ganun ba? babalik ka na ba dun?" tanong niya
"oo" sagot ko

"wag muna, ilibot mo 'ko sa school niyo" saad nito at inakbayan ako
"ba-bakit ka biglang nang aakbay" sigaw ko sa kanya at tinanggal niya ang kamay niya sakin habang tumatawa

"samahan mo na kasi ako" saad nito habang nakangiti
"ayoko, may pinapanood ako" saad ko

"di ka ba naboboring dun?" tanong niya sakin

at napaisip ako bigla. kung makikita ko lang din naman na ang kamay ni Lucy ay nasa katawan ni Hiro mas okay pang magikot ikot muna

"sige, pero saglit lang" saad ko at itong isang 'to ay tuwang tuwa
"sige sige" paulit ulit nitong saad at nagsimula kaming mag lakad

Anything For Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now