Chapter 11

42 5 0
                                    

Aiserize's Pov

"hoy!!! sinabi kong mamaya ka na pumasok. di pa ako nakakapag ayos" saad ko rito habang itinutulak ang pintuan, at tinutulak niya rin ito

puchangala, wala pa ako sa pag iisip kanina kaya ako naglakad dito sa pintuan nang marinig kong may kumakatok. at di ko naman namalayan na ganito siya kaagang pupunta rito

"wag ka na mag ayos" pang aasar nito, at binitawan na yung pinto. kaya agad kong nilock yung pinto at napa buntong hininga

"sabi ko sayo, wag mo na ako susunduin e. gusto ko mag exercise kada umaga okay? ganyan ka ba ka excited sa resulta ng exam?" saad ko rito na walang ka emosyon emosyon

"I'll wait for you~" saad nito na para bang wala siyang narinig sakin. 
"huwaaah, sige. maliligo lang ako" saad ko habang humikab at kinamot ang tiyan ko, ang kati e. bakit ba

buti na lang talaga, di na niya pinilit na pumasok sa loob. changgalang yan di ko matukoy sarili ko kapag bagong gising ko

kinuha ko ang uniform ko, at pumasok na agad sa banyo. hmmghh nghhh ayaw ko maligo ang lamig puchangala. isinabit ko ang uniform ko sa gilid at nag umpisa na akong maligo.

"hoo... hoo" giniginaw kong saad. wala na akong oras para magpainit ng tubig, bwisit kasi yung lalaking 'to.

ilang minuto lang ay natapos na akong maligo, kaya ako'y nag bihis na. at after kong magbihis ay kumain lang ako ng pandesal na lamig na nasa lamesa. pagkatapos kong mag ayos ay isinuot na ang bag ko at lumabas na

"sorry, napatagal ba ako?" saad ko
"hindi naman, tara na" saad nito at nauna na itong bumaba. meron kasi ditong 3 step na stair sa harap

"nasan na kotse mo?" tanong ko rito
"pinaalis ko na sila, sabi mo gusto mong mag exercise" saad nito, habang naglalakad kami. nagbibiro lang ako nung sinabi ko sa kanya yun kanina, di ko naman alam na seseryosohin niya. hmkay fine

"okay lang ba sayong maglakad? pwede mo sila tawagin para ihatid ka" saad ko at lumingon ito sa akin

"hindi, mas prefer ko mag lakad" saad nito. 
"hmm, naalala ko sinabi mo ayaw mong maglakad" pang aasar ko 

"hmm... sinabi ko ba yun?" pagmamaang maangan nito
"ay hindi po" sarcastic kong saad

at biglang tumahimik ang paligid, siguro malalim na naman ang iniisip nito. ganyan siya lagi, aasarin niya ako at biglang tumatahimik

"na eenjoy kong maglakad kapag kasama ka" saad nito at pinakinggan ko lang ito dahil gusto ko marinig ang susunod na sasabihin niya

"mas gusto ko pang maglakad kesa sumakay sa kotse, dahil sayo" dagdag nito
"i am impatient, and i have not done something like this until there's 'YOU'. kahit simpleng bagay basta kasama ka, yung simple nagiging exciting" saad nito at nagsimula na naman ang puso kong tumibok ng mabilis

these feelings of mine have not been clear to me, i wanted to know what i really felt. but i'm still not sure

i hope feelings are just like math problems, even if it's hard i can still find a way to solve it.

"anong iniisip mo dyan, dalian mo mala-late na tayo" saad nito, at ngayon lang ako natauhan. hindi rin ako nakasagot sa sinabi niya kanina, dahil maraming pumasok sa isip ko nung sinabi niya yun. at masaya ako dahil i got to hear those word from someone, i suddenly feel appreciated

"dalian na natin, excited na rin ako makita yung result!" saad ko at binilisan ko ang paglalakad, dahil bigla bigla na naman akong namumula

ilang sandali lang ay nakarating na kami, at katulad ng inaasahan ko marami ng tumitingin sa resulta

Anything For Her (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon