Chapter 13

42 4 0
                                    

Aiserize's Pov

"hoy, san ka pupunta" tanong ni hiro, habang hinahabol ako sa pag takbo
"di ko rin alam, ba't mo 'ko hinahabol?" tanong ko sa kanya
"kasi tumatakbo ka" saad nito

at tumigil ako sa pag takbo, habang hinihingal

"bwisit kasi yung hito na yun" saad ko habang hinihingal
"ang babaw talaga ng kaligayahan mo noh?" tanong nito sa akin

"naaasar ka lang e" saad ko habang natawa na naman dahil sa hito na yun. at pinitik ni hiro ang noo ko
"baliw" saad nito. at napasandal ako sa bisig niya dahil napagod ako sa pag takbo

"sorry" saad ko at tumayo ako agad, at bigla akong hinila nito uli papunta sa bisig niya
"okay lang" saad nito at napasandal ako uli sa kanya

ang awkward ng kinakatayuan namin ngayon, at i can clearly hear his heartbeat; as i heared mine. kahit na nahihiya ako, hindi ako umalis dahil sa ginawa niya. at naaamoy ko ang pabango nito at mukhang naadik ako sa pag amoy nito

"ang bango mo" biglang saad ko. at tinakpan ko ang bibig ko habang umalis sa pagkakasandal sa kanya
"pervert" saad nito, at hinampas ko ito

"di ko alam pumasok sa isip ko kanina, ikaw kasi" saad ko. at hinampas 'tong muli at tumingin ito sa taas at biglang tumawa ng mahina

tatawa pa siya diyan ng mahina, maririnig ko rin naman.

but seriously? ano bang nasa isip ko at sinabi ko yun ng malakas. changgalang hito kasi 'to ang bango

"gusto mo pumunta sa arcade?" biglang tanong nito
"gusto mo ng rematch?" ngising saad nito at lumapit ito sa akin habang ngumisi rin

"tignan natin kung sino mananalo ngayon" saad nito habang nagpatuloy pa rin sa pag ngisi

at pumunta na kami sa may arcade.

"hoy, tignan mo. ito yung nilaro natin nung nakaraan" saad ko at pumunta ako dun
"game" pag aaya nito at kinuha yung baril na isa, at kinuha ko rin yung isang baril

"teka, bumili muna tayo ng token" saad ko at bigla ito naglabas ng token galing sa bag niya
"akala mo ba di ako handa" natatawang saad nito at napailing na lang ako dahil planado pala talaga 'tong pag punta namin dito

naghulog ito ng 5 tokens, at kumuha rin ako ng 5 tokens para ihulog sakin.

"game na" saad ko, at nag simula na yung laro.

nagsimula na kaming maglaro, at wala pang ilang minuto ay malaki na agad ang lamang ko sa kanya. at natatawa na lang ako dito ng palihim

"ise" biglang pag tawag nito sa pangalan ko. kaya ako huminto sabay lingon sa kanya
"ang ganda mo" seryosong saad nito. at feel ko namula ako ng dahil dun, sinabi niya sakin yun ng nakatingin deretso sa akin. at hindi ko alam ang sasabihin sa kanya

"hahaha" mahinang tawa nito, at nagpatuloy sa paglalaro. saka ako namula ng todo dahil sa kahihiyan
"madaya ka!" sigaw ko rito at hinampas ko sa kanya yung baril

sinabi niya lang pala yun, para idistract ako. alam ko naman na di ako pwedeng mag expect pero nalungkot ako dahil inasar niya lang pala ako

-

ilang minuto lang natapos na ang laro, at nanalo 'to against sakin

"sabi ko sayo, pinagbibigyan lang kita non" ngising saad nito
"wag ako" saad ko at tinarayan ko ito

"itry natin to" saad nito at pumunta sa may basketball.
"di ako marunong, ayaw ko" saad ko
"di marunong o di mo lang abot?" pang aasar nito

"haa, ewan ko sayo" saad ko rito at tinalikuran siya.

Anything For Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now