Chapter 30

28 4 0
                                    

Aiserize's Pov

nakalabas na ako ng hospital pagkatapos nung nangyari, at nagpapahinga na ako ngayon sa bahay.

Pero di ko pa rin alam kung ano na ang nangyari kay hiro, pero bago yung aksidenteng yun may mga chat siya sakin.

"goodmorning Ise!"
"tulog ka pa ba?"
"gumising ka na, I miss you"
"talagang boring kapag di kita kasama"

Yan lahat ang message niya sakin, at pagkatapos niyan hindi na siya nag chat.

Sinabihan ni Seon si Hiro na nasa hospital ako, kaya alam kong alam ni hiro na nandun ako. Pero di ko alam kung bakit di pa rin siya nag rereply, di ko pa rin siya nakikita.

"aaaaaahhhhh i miss youuu" saad ko dito na mag isa sa kwarto habang bumaluktot

makakain na nga lang.

Lumabas ako ng kwarto at kumuha ng makakain, at nung nagsimula akong kumain para naman akong walang gana.

"mamaya na nga lang" saad ko sa sarili ko at itinabi yung pagkain

At bumalik sa loob ng kwarto ko.

"ano bang pwedeng gawin" saad ko at humiga sa kama ko.

ahhh magbabasa na nga lang ako.

kinuha ko yung libro sa loob ng cabinet ko, at humiga uli.

Magbasa na lang muna ako habang hinihintay ko si hiro.

Matagal tagal na rin akong di nakakapagbasa, kaya nakakamiss. Pero namimiss ko rin si hiro aaaaaahhh

magbabasa na talaga ako.

nagbasa lang ako ng tahimik at naisip ko bigla si hiro

"alam kong matatapos na lahat dito, pero tandaan mo. I have always love you" he said while giving me our last kiss

Naalala ko lang naman si hiro sa i have always love you, pero bakit ansakit nung unang line TT

.

Tapos na ako sa librong binabasa ko kanina at di pa rin ako kinakausap ni hiro, aaaaa bakit.

bigla na lang sumikip dibdib ko habang di ko alam kung bakit, pero sobrang sakit. Hindi ko alam na mararanasan ko rin tong ganitong sakit

----

natapos na yung araw pero wala pa rin akong natatanggap sa kanya kahit na isang letra. Iniisip ko na baka blinock niya ako pero imposible dahil nakakapag text pa rin ako sa kanya

at ngayon papunta na ako sa school, nung una di pa ako pinapayagan ni mama pero totoo naman kasing hindi na masakit yung saksak sakin.

"Rize, bakit papasok ka na"

Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni papa, at di ko alam din bakit niya yun natanong

"okay na po ako pa, kaya ko na pong pumasok" saad ko. At hinawakan nito ang ulo ko

"sige anak, mag iingat ka" saad nito at dahilan ng pagkangiti ko. Kahit talaga ayaw ko sa kanya, mabait pa rin siya kahit minsan

"sige po pa, mauna na ako" ngiting saad ko at naglakad na papaalis ng bahay

tahimik akong naglalakad habang sinasalubong ako ng hangin, sobrang sarap talaga maglakad tuwing umaga. Lalo na kapag kasama siya

"aaaa hiro, nasan ka na ba" mahinang saad ko sa sarili ko habang yumuko

ano ba kasing nangyari sa kanya nung nangyari yun? Bakit bigla na lang siyang di nagparamdam

Tumigil ako sa harap ng Vending machine ng convenience store at kumuha ng strawberry milk, at naglakad muli habang Umiinom.

Anything For Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now