Flashbacks 1

75.5K 2.9K 603
                                    

[Vlad's POV]

"Alice!" mahinang tawag ko sa nakatalikod na babae. Nakasimangot syang lumingon sakin. Napatawa nalang ako ng mahina sa inasta niya nang tuluyan na akong makalapit.

"Sinabi ko sayong bawal ka dito!" pabulong na singhal niya.

"Nandito na ako eh." sabi ko.

"Baka makita ka ni Papa!" sabi niya pa. Bahagya namang nagsalubong ang kilay ko.

"Ng papa mo o si Sambre?" seryosong tanong ko pa.

"Pareho. Kaya umalis ka na." sabi niya sabay tulak sakin.

"Ayoko." sabi ko. "A-YO-KO." natatawang pag-uulit ko pa. Agad namang nagsalubong ang kilay niya.

"Axle!" tawag niya.

"Bakit?" nakangiting sabi ko.

"Bakit ayaw mong makinig?" mahinang sabi niya. Natigilan naman ako sa tono niya. "Alam mong hindi pwede." sabi niya pa.

"Hangga't nararamdaman mong tama, walang bawal alice." sabi ko.

"Hindi kasi tama 'to. Ikakasal nako oh." sabay pakita ng singsing niya. Nakaramdam naman ako ng lungkot.

"Mahal mo ba sya?" tanong ko.

"Para kami sa isa't isa." sagot niya.

"Hindi yan ang tinatanong ko Alice, Mahal mo ba sya?" pag-uulit ko sa tanong ko. Hindi sya nakasagot kaya kinabig ko sya at mahigpit na niyakap.

"Nandito ako oh. Kayang kaya ko gawin lahat para sayo." mahinang bulong ko sa kanya. Niyakap ko sya ng sobrang higpit. Ayoko na syang pakawalan, Kung kinakailangan kong tumira dito titira ako dito.

"Mamamatay ka." sabi niya.

"Ikamamatay ko kung makita kita ikakasal sa ibang lalaki." sabi ko pa. Hindi ko talaga aakalain na dadrama ako ng ganito. Pangteleserye lang to eh! Pero pagdating sa kanya, to hell with drama.

"Bakit kung kailan buo ng desisyon ko eh dun ka pa magpapakita." saka niya ako pinalo sa dibdib ng mahina.

"Gusto mo ba akong nandito? O papaalisin mo ulit ako?" tanong ko. Agad naman syang natigilan.

"Bawal to." sabi niya. Kakalasin ko na sana yung pagkakayakap ko sa kanya para sana kontrahin sya, nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit. "Pero... Dito ako masaya." mahinang bulong nya habang nakasubsob ang mukha niya sa dibdib ko. Inhaling my scent.

"Ako si Axle Vladimir Rij, Alice. Walang bawal bawal sakin." sabi ko habang tumatawa ng mahina. at muli siyang niyakap. Hindi kami gumalaw sa posisyon naming yun ng ilang minuto. Tahimik lang naming niyayakap ang isa't isa.

"Teka. Axle." sabi niya nang kumalas sya sa pagkakayakap sakin.

"Bakit?" tanong ko.

"Hindi ka pwedeng magtagal dito." Nag-aalalang sabi niya.

"I'm willing." sabi ko.

"Aanhin ko ang isang araw na makasama kita kung kasunod naman nun ay hindi na kita makikita?" tanong niya sakin. Tsk. Ang talino talaga.

"Ayoko pa eh." sabi ko.

"Axle." she said in a warning tone.

"Fine." pagsuko ko. A bit irritated sa thought na kailangan ko na syang iwan sa kamay ng mga taong yun. She's my princess, hindi kay Sambre o kung kanino man! Mine.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon