The Lost Academy

793K 11.5K 1.9K
                                    

LOST ACADEMY (A.R.)
🚧RAW AND UNEDITED 🚧

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Written by: B L A B B E R S A L E R T
ALL RIGHTS RESERVED 2013 ©
Fanmade Bookcover by: Krystal Mae crovistello ❤️

LOST ACADEMY : ASPER RIJ

The She, the He, and the It.

Exle Asper Rij and Axle Vladimir Rij. A pair of siblings with unbreakable bond. However, things are about to change as Asper slowly learns more about her brother.

Lies, deception, pain and woes these was what lies ahead of her journey discovering the truth. Will she discover more of the truth even if it means cracking the bond they swore to protect? Or even if it means losing everything she ever cared for?

CHAPTER 1: THE SHE

[ASPER]

August 2, 2014. The day I received a life-changing news.

    "Sa wakas! Makakapasok na ako sa pinapangarap kong eskwelahan! Yes!" Napatalon ako sa tuwa habang hawak-hawak ko ang acceptance letter na galing sa isang international school na matagal ko ng pinangarap at sinubukang apply-an.

    "Hey, tama na 'yan! Katanghaling tapat! Baka mabutas ang kama mo, baboy ka pa naman!" Sigaw ni Kuya Axle sa akin habang tumatawa. Nakasandal sya sa may pintuan ng kwarto ko.

    "Grabe ka naman kuya. Ang slim ko kaya at tsaka, excited lang naman ako kasi malilipat ako sa isang International School," I pouted then continued, "Ang talino ko kasi." I told him showing him my goofy grin.

    "Sus. International school, International school eh pareho lang naman 'yan. Mga eskwelahan, may maraming estudyante, terror ang teachers, may mga classrooms, maraming ipapabitbit. Ang pinagkaiba lang naman ay ang laki at disenyo. One more thing, sa mga International School na 'yan, maraming matapobre at-" sa halip na magalit ay napangiti na lamang ako sa sinabi niya.

    "Kuya, sabihin mo na lang kasi na huwag na lang ako umalis dahil mami-miss mo ako. Hindi iyong marami ka pang sinasabi diyan. Sinisiraan mo pa 'yung school ko." Natatawang sabi ko sa kanya at lumapit para umakbay. Medyo may katangkaran sya kaya kinailangan ko pang tumingkayad para maabot ko sya. Tiningnan naman niya ako ng masama.

    "Tss. Bahala ka nga." Inalis niya ang pagka-akbay ko sa kanya saka umalis. Iniwan niya akong tumatawa.Napakapikunin talaga ng taong iyon.

    Nang mahinto na ako sa pagtawa ay agad kong sinarado ang pinto upang patuloy na namnamin yung saya na nararadaman ko sa mga oras na ito. Tinitigan ko ng maigi ang sobre na tila ba'y nananiginip lang ako at ano mang oras ay maaari pa itong mawala sa mga kamay ko. Nang masigurado ko na ngang hindi na talaga ito mawawala ay mas lumawak pa ang ngiti ko na direkta kong nakikita sa full length mirror na nasa harapan ko lang din.

    Nakita ko ang aking kabuuan. Isang babaeng may mahaba at maitim na buhok at may mala tsokolateng mga mata ang nakakatitig sa akin pabalik. Bakas sa kanya ang hindi maipaliwanag na kagalakan sa natanggap niyang biyaya sa buhay. Sa salamin kong iyon nakita ko kung gaano ako kasaya sa natanggap na balita. Napatitig ako rito at bumuga ng isang malalim na hininga.

    'Exle Asper RIj, it's your time to show them off what you can do. Lalaban tayo sa bagong paaralang iyon. Unti-unti mo ng naaabot ang mga pangarap mo.'

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon