Lost Academy #23

126K 3.9K 478
                                    


Chapter 23: Baby Boy

[ASPER]

"RAAAAAAAVE!" mangiyak ngiyak na takbo ko tungo sa kanya. Atlast, lumabas na ang pag-asa ko. Ang pag-asa para makalayo nako sa mga gunggong na yun! Bakas naman sa kanilang mukha especially sa mukha ni Rave ang gulat. Sa lakas ba naman ng pagkakasigaw ko, sinong hindi magugulat? Pagod nako kakatakbo, Sya nalang talaga ang pag-asa ko. Yumakap ako sa likuran niya na parang batang nakasilip sa gitna ng braso't tagiliran niya. 'Lagot kayo ngayon!' sa isip isip ko habang tinatanaw ang paparating na kalalakihan.

"Ano bang ginagawa mo?!" inis na sabi niya.

"Ayaw kami tigilan niyan oh!" sabi ko habang nakaturo sa limang lalaki na nagtatatakbo papunta samin.

"Ano nanaman bang pinasok mo?!" Singhal niya ulit.

"Eh malay ko bang napatol yang mga yan sa bata! Kinakawawa nila ang bata kaya tinakbo ko na!" tapang tapangan sabi ko.

"Tss! Nagpapakabayani ka di mo naman kayang panindigan!"

"Oo na, Oo na, Please naman oh paalisin mo ang mga yan!" Nilingon ko naman yung mga kasama niyang takang taka sa nangyayari.

"Hi?" sabi ko sabay pakita ang awkward kong ngiti. Agad naman akong bumitiw sa pagkakapit sa likuran ni Rave.

"Sino ka?" takang tanong ng isang lalaki.

"Asper." nakangiting sabi ko. "Sensya na ah, Naunsyami ang pagpasok niyo, kailangan ko lang talaga ng tulong." awkward na sabi ko.

"Arzen nga pala." Nakangiting bati nung isa. medyo Jolly looking sya. Chinito, maputi at matangong ang ilong, para ring lampaso ang buhok niya tulad nung k-pop ata yun pero nabagay sa kanya ah, infairness.

"Azure here." sabi ng babae. sya naman parang ang tali talinong tignan, naka eyeglasses kasi tapos short haired at maganda siya.

"Zap." sabi nung nagtanong sakin. Ito mukhang playboy, parang gulay rin kasi ang buhok nito. Medyo mahaba pero mas gwapo naman kapag ganyan ang buhok niya.

"Razor." simpleng sabi ng isang lalaki na parang antok na antok na. Ito badboy naman ang style ang daming chains sa katawan may lip piercing siya pero hind pangit tignan sa kanya. Clean cut naman ang buhok ng isang 'to, nakakatakot sya tignan. Ang angas ang aura.

"Hello." nakangiting sabi ko.

"May gana pa talagang magpakilala." sino pa ba? Si Rave lang naman.

"Wag na magreklamo, may kasalanan ka pa sakin!" inis na sabi ko sa kanya, akala niya ba limot ko na ang ginawa niya. Dahil lang dun, naparusahan tuloy ako!

"Huy Miss! Amin na yang batang yan!" sigaw nung mukhang butiki.

"Uy! Di niyo binili ang batang to!" lakas loob na sigaw ko, syempre may cover na ko eh! hehehe.

"Pagsinabi naming amin, amin na!" giit ng isang punk, kung anong kinapayat nung butiki sya ring kinalaki ng katawan ng isang to.

"Walang pangalan niyo ah!" sabi ko, wala namang kibo sila Rave.

"Ang tigas mo ding makealam ah! Di porket may mga kasama kang taga-upperclass, ang yabang na din ng tabas ng dila mo!" sabi nung isa.

"Di ah!" sabi ko.

"Lumapit ka samin kung matapang ka nga at ibigay mo samin ang bata." madiin na sabi nung punk.

"Ano ba kasing meron sa batang to at ganun niyo nalang kawawain?!" inis na sabi ko.

"Wala ka nang pakealam, Kung gusto mong makisaya lumapit ka samin!" nakangising parang ulul na sabi ng butiki.

"Makisaya? Neknek mo!" sabi ko na nagtatapang tapangan rin. Binaba ko yung bata at nilagay ko sa tabi ni Arzen na ngayo'y naka-indian sit na sa lapag, Langya. Naka-indian sit lang naman po ang apat na kasama ni Rave sa lapag na parang nanonood lang ng sine. Yung Razor naman nagawa pang matulog habang nakaganun ang posisyon, si Arzen nakangiting tumitingin samin habang may hawak na popsorn, si Azure ba yun? basta yung babae, nag-gagantsilyo, Sa'n kaya niya nakuha yan? tapos yung Zap, nakangising tumingin sakin habang kumukuha rin sa popcorn na hawak ni Arzen? Really? Ang wierd nila. Super! San kaya nila nakukuha mga props nila?!

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon