Suspicions

111K 3.4K 363
                                    


HepHepHep! Bago niyo basahin ang chapter na ito, makikiusap lang po sana ako na dalawin niyo po yung coming soon na story ko. Yung Trouble: The 7th Member, Prologue pa lang po ang napopost ko, sana man lang basahin niyo kahit saglit. :) at kung interesado kayo sabihin niyo lang at ipagpapatuloy ko iyon... :) Thankies!! ^^

zozozozozozozozozozozo

*Keisler's POV*

Lagot na! Nakakaramdam nako ng tensyon sa dalawa!!

Nagulat nalang ako ng mabilis nakalapit yung Clynn kay Vlad na mabilis ring nakatayo mula sa pagkaka-upo.

Hinawakan ni Clynn ang kwelyo niya at malakas na isinandal sa dingding ng Tree House. Naramdaman ko ngang umuga ang tree house ko.

"Ah, T-teka!!" natatarantang sabi ko. Ang tagal kong binuo ang tree house na'to at sisirain lang nila?! T^T

"Wag naman kayo dito oh!!" pigil ko sa kanila pero parang wala silang narinig dahil nakafocus lang ang atensyon nila sa isa't isa.

"Ang tagal mong nawala Vlad." sarkastikong sabi ni Clynn. Nakikita ko namang puno ng galit ang mata niya. Magkakilala sila? Ano to? Anong nangyayari?

"Alam ko." sabi ni Vlad na nakahawak na ngayon sa kamay ni Clynn. Hindi siya pumapalag sa pagakakahawak nito.

"Hindi mo alam kung anong hirap ang napag-daanan niya dahil sa'yo!" nanginginig sa galit na sabi ni Clynn pero nakikita kong pinipigilan niya ang sarili niya na saktan si Vlad. "Matapos mong wasakin ang panahon namin, iniwan mo nalang sya, Iniwan mo nalang kami bigla."

"Kailangan. Kailangan ko yung gawin." malumanay na sabi ni Vlad.

Wala na talaga akong maintindihan sa sinasabi nila. Nakatayo lang ako dito sa gilid at tinitingnan sila. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko kung sakaling mag-away man sila pero... pakiramdam ko kailangan nila to ngayon, kailangan nilang makapag-usap.

At ano? ipapasira ko ang Tree House ko? No way!! >3<

"Anong kailangan ha? Akala ko ba mahalaga sya sa'yo? Akala ko ba hindi mo sya iiwan? Kahit kailan hindi ko matatanggap ang mga rason mo Vlad. Hindi kita mapapatawad, Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana pala pinatay na kita noon pa." madiin na sabi ni Clynn.

*Dug dug *Dug dug

Ano tong pakiramdam na'to? Parang naiintindihan ko sya, parang alam na alam ko ang pakiramdam niya kahit hindi naman ako ang nasa lugar niya. Bakit nagkaganito? dapat sa bearer ko lang ang nararamdaman kong emosyon, dapat.....

Natigil ako sa.pag-iisip ko ng magsalita yung isang lalaki.

"Pero hindi mo ginawa." sabay tanggal ni Vlad sa kamay ni Clynn na nakahawak sa kwelyo niya. "At hindi mo magagawa." dagdag pa nito. Ano daw?

*Clynn's POV*

Nagulat ako sa sinabi ni Vlad. Tama siya, di ko sya magagawang paslangin.

Ang mismong taong nagbigay sakin ng pag-asa para mabuhay noon at ang taong nagpakilala sakin sa kauna-unahang taong kinontrata ko ay hindi ko kayang patayin.

"Niloko mo kami, Niloko mo kami ni Alice. Sarili mo lang ang iniisip mo. Makasarili ka, alam mo ba yun?" nagngingitngit sa galit na sabi ko.

"Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan pero ito ang sasabihin ko sa'yo..." sabi niya at mas lumapit pa sya sakin. "Kahit kailan hindi ko kayo ginamit o niloko, iniisip ko lang mas nakakabuti."

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon