Lost Academy #24

145K 4.2K 974
                                    


Chapter 24: Confirmed

[ASPER]

Tumatakbo ako pabalik nang makarinig nanaman ako ng isang malakas na pagsabog. 'Ano nanaman ba ito? Wasakan Part 2 at Parusa Part 2?' Kahit kelan talaga kapag may kapangyarihan ka, takaw gulo ka talaga. Lalong lalo na ang Rave na yun. Nakita lang ang lalaking kulay puti ang buhok di na maporma ang mukha sa inis! Ganyan ba talaga ang mga lalaki palakihan ng ego? Narating ko na ang lugar kung saan namin iniwan si Rave at yung lalaking puti ang buhok. Malamang naman siguro na sila yung may kagagawan ng pagsabog, eh sa itsura palang ng Rave nayun, mukhang habulin na ng gulo. Naabutan kong nakatayo lang ang tatlo habang unti unting winawasak ng dalawa ang hallway ng North Wing. Ay wait! mukhang nag-uusap sila.

"Zap, Anung gagawin natin sa dalawang yan? Eh mukhang ang init-init ng dugo nila sa isa't isa eh!" sabi ni Arzen.

"Di ko alam dre. Ang hirap pigilan ni Le--Rave eh lalo na siguro yung isa, mukhang magkamatch pa naman sila oh!" sabi ni Zap.

"Sino ba kasi yan? Ngayon ko lang yata nakita yang isang yan. Nilubos pa talaga ang puting hair dye ah." nagtatakang tanong ni Arzen.

"I have no idea." sagot ni Zap.

"Oh ano na ngayon? maghihintay nalang ba tayong matapos ang dalawang yan O pipigilan natin yan?" tanong ulit ni Arzen.

"Kung ako tatanungin niyo, maghihintay nalang ako dito, nakakaubos ng lakas yan. Geh! Una nako. Ayokong makita ang pagsira nila sa hallway." sabi ni Razor na sa palagay ko ngayon ko lang narinig magsalita. Tumalikod siya para umalis na sana nang makita niya akong nasa likod nila.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya. Napalingon naman yung dalawa samin.

"Oh Asper, Bakit ka pa andito?" tanong ni Arzen.

"Magpapaiwan ba ko, kung lahat kayo nagsitakbuhan?! Syempre, sumunod ako sa inyo!" sabi ko.

"Sorry!" hinging paumanhin ni Arzen.

"Nagmadali kasi eh." sabi naman ni Zap habang naririnig namin ang bawat kalabog ng dalawang nag-aaway.

"Sabihin niyo, Yan ba talaga ang bugbugan dito? *Blag*-Aray!" tingnan niyo pati akong tumitingin lang napapa-aray na. Akalain niyong tinalo pa nila ang mga stuntman may mga kurye-kuryente pa akong nakikita.

"Ganyan lang talaga magkai-" naputol ang sasabihin niyang nang sumigaw ako.

"Yuko!" May papalapit kasing debris papunta samin, parang parte ng pader na tumalsik. Nagsiyukuan kami, at luckily walang natamaan. Dumaan lang kasi sa ibabaw namin. Mga hinayupak talaga. Bakit dito pa silang nag-rarambulan eh alam nang may mga taong nasa paligid eh! Isa pa tong' mga kaibigan niya, mga konsintidor! Ayoko na, sobrang di ko na kayang tignan. Ang ganda ganda ng hallway, sinisira lang nila!

"Hoy! Kayong dalawa, sasapatusin ko talaga kayo kapag di kayo tumigil! Ke-ganda-ganda ng hallway sinisira niyo lang! Letse!" Narinig ko namang nagtawanan ang tatlong ugok sa likod ko. Bwisit!

"Sasapatusin daw oh! Sige nga sapatusin mo nga nang matigil sila!" natatawang sabi ni Zap.

"At talagang inalala pa ang hallway kesa sa dalawa! Hanep!" sabi naman ni Arzen.

"Pffft." at yan lang po ang tanging narinig ko kay Razor. Kinuha ko ang dalawang sapatos ko. Wala namang masama kung susubukan diba? Tinapon ko ng sabay ang sapatos ko at sumunod ang katahimikan sa pagitan nila Arzen. Di man lang ako nakatama miski isa sa kanila. Narinig ko nalang na bumunghalit naman ng tawa ang tatlo sa likod ko. Pinagtawanan talaga nila ako ng todo.

"Nagpapatayan na nga mga kaibigan niyo tawa parin kayo ng tawa!!" singhal ko sa kanila. Nakakainis kasi sila eh.

"Isa lang kaibigan namin dyan, di namin kilala yung isa." sabi ni Arzen.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon