Lost Academy #29

129K 3.6K 459
                                    


Chapter 29: Saying truth

[ASPER]

"About your Ability..." Lagot na. Alam na niya? Alam na kaya niya?

"A-ah. Anong about sa ability ko?" nenenerbyos na sabi ko. Kung kanina, tulog na tulog ang buong pagkatao ko't katawan ngayon, daig ko pang sundalong matiyagang nagbabantay sa gabi! Ano na ang gagawin ko?

"Can we talk?" seryoso paring sabi niya.

"A-ah. s-sure?" di siguradong sagot ko. Tumalikod naman sya at sinenyasan akong sumunod sa kanya. Patay na talaga. What if, alam na niya? sasabihin ko ba? Malamang. There's no point in denying. Dinala niya ako sa isang hallway na walang katao-tao at nang masiguro niyang wala talagang tao huminto na sya at humarap sakin.

"Asper." panimula niya. Kinakabahan ako sa kung ano mang sasabihin niya.

"Magsabi ka nga ng totoo sa kin, Ano ba talagang ability mo?" sabi niya. It really caught me off-guard, hindi ko naisip na itatanong niya yun.

"a-ah.. u-uhm. Kre- P-presto." Naloko na, di ko makapa ang dapat kong sabihin. Natatakot akong aminin sa kanya, pero-

"Come to think of it. Simula nang makilala kita, Hindi pa kita kailanman nakitang gumamit ng ability mo at Parati ka pang nakadikit sa mga kaibigan mo tapos sa tuwing napapahamak ka, it's either gagamit ng ability sila Kayle o tatakbo ka. Hindthe i mo man alam pero inoobserbahan ko na kilos mo dati pa. Nakakapagtaka kasing kahit isang beses lang di ka gumamit ng ability mo eh. Now, it makes me wonder kung ano ba talagang meron sa ability mo at di mo inilalabas ito. Is it dangerous? No, I think it's not dangerous, di ka naman nila siguro ilalagay sa Lower class kung delikado ang ability mo diba? If it's not dangerous, Anong klaseng ability meron ka ba?" Napayuko ako sa sinabi niya. Oh no, Ito ang klaseng confrontation na pinaka-ayaw ko. Alam na ba niya? O hinuhuli lang niya ako? Posible.

"Kasi.. Uhmm. D-di naman ka-kailangang ipakita nang ipakita ang ability diba?" Damn. Nautal pa ko. I feel like I'm a criminal being interrogated by a police.

"Ba't ka nauutal?" nakangising tanong niya, iniangat ko naman ang tingin ko sa kanya.

"Di ah." pilit na ngiting sabi ko.

"Stop that." Seryosong sabi niya.

"Anong Stop that?" taka kunwaring tanong ko. Mahirap palang magsinungaling kapag nabibisto ka na no?

"Stop Lying." sabi niya na seryosong seryoso parin ang mukha. I'm a liar, a horrible one. Alam kong marami na akong naloloko pero what can I do? Kailangan ko tong gawin hanggang sa makabalik na ang headmaster. Ang tagal naman kasing bumalik ng headmaster ng eskwelahang ito. Kailangan ko tuloy magsinungaling, hindi ko naman aakalaing aabot ako sa point na kailangan kong lokohin ang mga taong nakapaligid sakin. Di ko na talaga alam ang gagawin ko kapag mabunyag na ito, isa pa ngalang maiiyak nako sa kaba pano na kaya kung ang buong eskwelahan na ang makaalam? May mukha pa ba akong maihaharap kung saka-sakali mang malaman nila ang katotohanan? Dumagdag pa ang pagkakaroon ko ng guardian. Who would've thought na isang pagkakamali lang ang pagpasok ko dito?

Tuluyan ng tumulo ang luha ko. Ngayon ko lang naramdaman ang bigat ng kasalanan ko. Bumagsak lahat konsensya ko at feeling ko may nakaumbok na pasanin ang ipinatong sa likod ko. Kinakain nako ng Konsensya ko at ang bigat nito sa pakiramdam.

Kakayanin ko pa ba? kakayanin ko pa ba kung pati sarili ko, unti unti ko na ring niloloko. I thought okay lang ang lahat eh, na basta ba walang magsasalita sa aming tatlo ay okay na kahit magsinungaling pero hindi pa pala. Akala ko, wala nang papansin sakin pero heck, mali ako, rumarami na ang kaibigan ko at ngayon, isipin ko palang niloloko ko lang sila, parang binagsakan nako ng gusali. I maybe exagerating it pero yun ang nararamdaman ko ngayon. Parang ngayong kinompronta ako ni Presto, parang sinampal ako at nagising sa katotohanan, na kung ano mang meron ako ngayon, ang mga taong naging kaibigan ko dito ay nakilala ko sa pagsisinungaling.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon