Lost Academy #27

133K 3.8K 584
                                    


Chapter 27: What a day

[ASPER]

Naku. Mukhang nakatulog na nga ng tuluyan si Baby Boy. Gawin ba naman akong higaan? Dahan-dahan akong tumayo para sana ihiga sya sa mini bed nang bigla syang gumalaw. Nagising ko yata.

"Mommy." sabi niya habang kinusotkusot niya mata niya.

"Hmm?"

"Aalis ka na?" tanong niya.

"Sana, ang kaso-" di niya na ako pinatapos at nagsalita na sya.

"Sama ako." nakapout na sabi niya with his 'oh-so-cute-and-pleading-eyes' Can you resist that look? Kung kayo oo, ako hindi! Naman. Kinakarir na talaga niya ang pagtawag sakin ng mommy.

"S-sure." di siguradong sabi ko.

"Yehey!" sabi niya na parang ililibre ko sya ng ice cream.

"Tara na baby." yaya ko sa kanya, agad naman syang sumunod at humawak sa kamay ko.

Pagkalabas namin sa tree house nagulat nalang ako nang makita ko si Rave na nakatingala at nakatayo sa baba ng puno. 'Ang skirt ko!' Agad agad ko namang tinakpan ng kabilang kamay ko ang dapat takpan. Nakita ko naman syang natigilan at napaiwas ng tingin.

"Bakit ka nandyan?!" inis na sigaw ko. Nagsmirk naman sya.

"Blue." sabi niya na ikinamula ng mukha ko.

"Umalis ka nga! Ang bastos bastos mo talaga! Manyak!" sigaw ko. Nakakahiya at mas lalong nadagdagan pa ang hiya ko ng makita ko siyang bahagyang napatawa.

"Anong tinatawatawa mo dyan?!" galit na sabi ko.

"Ikaw." at tuluyan na syang tumawa, yung tawang halos lumabas na ang bituka niya.

"Bakit mo ba ako pinagtatawanan?! Nakashorts naman ako ah!" sigaw ko ulit. As if naman na magsusuot ako ng palda na hindi nagsho-short. Swerte niya.

"Unbelievable." I then heard him chuckle. Leche talaga to! Eh ano ngayon kung makita niya kong nakashorts? tinatakpan ko naman ah!

"Letse ka! Hintayin mo ko dyan sa baba, susuntukin talaga kita!" pagbabanta ko at nagmadali na akong bumaba! Padabog akong lumapit sa kanya at agad na sinuntok sya sa may balikat niya pero bago pa man makalanding ang suntok ko sa balikat niya, nasalo na niya ito.

"Ang hina mo." panglalait niya pa habang nakangiti.

"Heh!" sabay suntok naman ng kabilang balikat niya gamit ang kabilang kamay ko. Nahawakan niya ito uli at itinaas niya ito na para bang ginagapos ako ng isa niyang kamay.

"Too slow." ngayon nagsmirk naman sya. Nakakabanas ang pagmumukha ng lalaking to. Kahit na ba, gwapo to. Di ko hahayaang pagtawanan nalang ako ng ganun.

"Bakit mo ba kasi ako pinagtatawanan.?!" singhal ko sa kanya.

"Shorts ba yan o boxers?" natatawang sabi niya. Boxers?! Aba pinagloloko ako ng lalaking to ah! Oo, Inaamin kong mukhang boxers talaga ang sinuot kong shorts pero shorts naman ah! Bigay to ni Kuya nung birthday ko at first, ayoko, para kasing panglalaki pero eventually, nagustuhan ko na komportable kasing suotin at itong lalaking 'to, sasabihing boxers?Shorts kaya to!

"Shorts 'to! Perv!" sabi ko na pulang pula na ang mukha.

"Boxers yan!" natatawa pa rin niyang sabi.

"Hindi nga. Shorts nga eh!" singhal ko ulit.

"Boxers yan at talagang Captain America pa!" Sinabi ko naman sa inyo diba? Parang panglalaki. Captain america kasi ang design at wagas ang Blue nito pero kahit na ganun, shorts pa rin to!

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon