Wala nang bawian

117K 3.3K 253
                                    

*Asper's POV*

"Ano ba?! Huy! San mo ko dadalhin?!" pagpupumiglas ko sa pagkakahila ni Rave.

"Mag-uusap." Napatigil naman ako sa pagpupumiglas at biglang naalala ang nangyari kanina. >///<

Anak ng Putakte! Nagwawala nanaman ang dugo ko sa mukha!

Nabalik lang ako sa katinuan nang bigla syang huminto at humarap sakin.

"Sabihin mo nga sakin kung anong nangyari kanina?" tanong niya. Nag-iwas naman ako ng tingin.

"Wala kang naaalala?"
"......" Di siya sumagot. Expected.

Kayo ba naman mapossess ng kung anong lamang lupa na may kakilalang Alice Fernille na nagkataong pangalan ng mama ko?

Napabuntong hininga nalang ako saka ko sya tinignan sa mata.

"Wala. Wala naman nangyari." Nagdududang tiningnan niya ko. Hindi sya kumbinsido. (_ _||) 

"Uy Gabi na! Dapat nakaakyat nako, kailangan ko pa ng beauty rest!" pag-iiba ko.

Aalis na sana ako sa lugar na yun nang bigla syang magsalita.

"Kung ano mang nangyari kanina kalimutan mo yun... i-isipin mo nalang na.." Nagtatakang tiningnan ko sya at sya naman ngayon ang nag-iwas ng tingin. "B-babawi ako." Mahinang sabi niya pero sapat na para marinig ko ang sinabi niya.

"A-anong sabi mo?" Tanong ko sakanya. Di ko kasi alam kung pano ko iaabsorb ang mga sinabi niya. Nakakapanibago.

Tiningnan niya naman ako ng masama sabay sabi ng... "Siguraduhin mo lang na tatahimik ka sa kung anong nakita mo kanina." madiin niyang sabi at bigla nalang syang tumalikod at naglakad paalis.

"Okay?"

Tik Tik Tik (Sfx ng ballpen na pinupukpok sa mesa.)

"Babawi ako." Babawi? Sya? Bakit? Y-yung.. >//< yung Aish! alam niyo na yun! yun lang naman ang kinakabahala ko kapag naalala niya yun!>.<

Nakahalumbabang tumingin ako sa kawalan.

Letseng Rave kasing yun! Di ako pinatulog! T.T

"Good Morning Sir."

Idagdag pa ang lalaking kulay puti ang buhok na buntot ng buntot kahit saan ako magpunta. Hindi ko naman siguro security guard ang isang to diba?

"Good- Wait, You, the guy with white hair. Bakit ngayon lang kita nakita?" Nabalik ako sa mundo ng tapikin ako ni Ella. Ella? Aba kailan pa to pumasok?

Tiningnan ko sya, nakanguso sya sakin na para bang may itinuturo sya. Nilingon ko naman ang nginungusuan niya.

Nakatayo pala si Clynn. "How come na hindi ako nainform na may bago palang estudyanteng papasok? What's your name Mr.?" tanong ni Sir Laurence. Pu- O.O Teka, may something fishy eh. Nagkataon lang bang ngayon lang din pumasok si Ella? Parang-Aish. Nevermind.

"Clynn." sabi ni Clynn. I mentally rolled my eyes, hindi talaga alam ni Sir ang pagpasok niya, eh sya lang kaya ang kusang pumasok sa room namin na walang pasabi. Parang nakiki-sit in lang ata ang lalaking yan eh.

"Bakit wala akong record sa'yo?" tanong ni Sir Gwapo.

"Inaayos na ni Cielo...S-sir." Para Sir lang eh, nag-aalangan pang sabihin. Psh. Bitter talaga ako sa lalaking yan. Hindi ko magawa ang gusto kong gawin dahil parati nalang syang umaaligid. Parang kahit saan ako magpunta may mata syang iniwan. =.= Nakakainis.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon