Warned

82.7K 2.7K 436
                                    

*Asper's POV*

Hayyys. Nakakapagod talaga kahit anong gawin kong pagtetraining ganon na ganon pa rin eh! Walang pinagkaiba sa kung ano ang kaya kong gawin. Buti na nga lang tinutulungan ako ni Euria kahit sinusumpong kami nung mainit na enerhiya, sige pa rin. Di bale, sabi naman niya, pwede naman daw matanggal ang connection namin. May isang paraan pa raw ang kaso ayaw niyang sabihin eh. Kanina nung pagbalik ko sa Training hall kasama si Clynn, sinalubong ako nila Krema ng pang-aasar tungkol kay Rave. Kung saan ba raw ako dinala ni Rave at kung kailan pa raw kami nagkakilala. -.- Pati nga rin si Clynn inintriga pa. Ang weird lang na sa lahat ng ineexpect kong mang-aasar sakin eh si Ashley ang pinakatahimik. Tinitingnan niya lang ako mula ulo hanggang paa. Ang weird.

Ngayon ay gabi na. Kanina pa ako yamot na yamot dahil sa pinapagawa sakin ni Clynn. Ni hindi ko nga maintindihan kung para saan yung mga 'style-style' na sinasabi niya. Pakiramdam ko nga pinagloloko lang ako ng isang yon eh buti nalang binigyan niya ako ng 'break' daw. Kasalukuyan akong nakaupo sa sahig habang umiinom ng tubig na binigay sakin ni Rave kanina habang si Clynn naman ay umalis kasi may kukunin daw syang makakatulong sa pagte-training ko. Ewan ko ba kay Clynn pero pakiramdam ko talaga may alam sya sakin na hindi ko alam, kanina pa kasi syang matiyagang tinututukan ang pagsuntok-suntok at pagsipa-sipa ko sa hangin. Hindi niya rin ako pinipilit na magpakita ng 'kakayahan' ko kuno, nakapagtataka lang na sa paraan niya, pinapakalakas niya lang yung stamina ko and aside from that, wala na syang sinasabing dapat kong gawin. Kung baga, sa kinikilos niya parang alam na alam niya yung sitwasyon. Mukhang hindi na nga ito tungkol sa pagtuturo ko sa kanya ng English eh, mukhang may mas higit pa syang rason kung bakit ang sipag niya akong turuan. Naiisip ko nalang nga na baka ayaw niya ring magpatalo sa DP o baka naman iniisip niyang pabigat ako kaya niya ako tinuturuan ng husto na kahit umabot pa kami ng gabi ay training pa rin, Ayaw niya nga akong paalisin kahit magreklamo pa ako. Ngayon ko lang din napagtanto na hindi pala si Clynn yung tipo ng taong mabibiro mo kahit anong oras. Habang tumatagal na kasama ko si Clynn mas lalo syang nagiging matanda sa paningin ko, not literally pero may something sa kanya na nagsasabing, 'Mas nakakatanda ako sayo.' o ' Mas marami akong naranasan kesa sayo kaya wag kang loloko-loko at magseryoso ka.' parang ganon yung feeling, ibang-iba yung feeling kapag kasama ko si Rave. Si Rave kasi, tahimik, suplado at seryoso kaso yung pagiging suplado niya ay more on, nagsusungit sya kapag meron syang gustong sabihin pero hindi niya masabi ng diretso o di naman kaya matagal mong magets yung pinapahiwatig niya parang temper tantrums lang ng bata. Tsaka madali lang din sya maubusan ng pasensya pero maya-maya nyan, limot na nya kaya nga hindi ko sya maspelling eh, kahit ganon yung pagkakakilala ko sa kanya, may pagkakataon talagang pabago-bago ang ugali niya. Si Clynn naman, unang beses na pagkakakilala ko sa kanya ay parang magkatulad sila ni Rave, na binagsakan ng problema. Yung araw palang ngang bigla-bigla nalang syang pumasok sa classroom, nakasulat sa mukha niya na 'Wag syang istorbohin kasi naninigaw ako' pero eventually, I discover na medyo may pagka-ignorante rin pala si Clynn. Mukha ngang taga-ibang mundo sya eh, at kung magsalita aakalain mong ang tanda-tanda na niya. Sa bagay, sa mundong ganito, matututo ka talagang magseryoso at magpakamature para matanggap yung mga bagay bagay na masasakit na kahit sa murang edad ay matututo kang tumayo para sa sarili mo--Ay teka! Bakit ko nga pala pinagkukumpara ang dalawa?! Eh sa magkaibang tao sila at wala akong magagawa. So, anong punto pa ng ganitong pag-iisip? Tsk. Asper Asper. Nababaliw ka na ata.

Nilingo-lingo ko ang ulo ko para alugin at mawala yung mga pagkukumpara ko sa dalawa, masama yun eh! Saka naman napadapo ang tingin ko sa bottle na hawak ko at parang baliw na napangiti. Bigay to ni Rave. hihihi. -- O_O! Agad kong nailayo sa mukha ko ang bottle na hawak ko at namumulang napatitig don. Eh Ano naman kung bigay to ni Rave? Simpleng bottle lang to na may tubig ah? Tsh. Para namang may espesyal dito.

"Baliw ka na talaga Asper." paalala ko sa sarili ko. Wala namang ibang tao maliban sakin dito sa training hall kaya okay lang na magsalita ako sa sarili ko. Wala na rin sila Ashley pumunta na dorm para magpahinga kaya walang tatawa sakin dito. Inilapag ko sa harap ko ang bottle saka nakahalumbabang tinitigan ito. Sa kakatitig ko sa bottle, unti unti nakikita ko ang mukha ng taong kanina pa dinadalaw ang utak ko. Pambihira talaga.
"Ano bang meron sayo huh?" biglang tanong ko saka ko mahinang tinusok tusok yung plastic bottle. "Ang pangit nga ng ugali mo eh." sabi ko pa. "Pero..."

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon