What if's

116K 3.4K 634
                                    

*Arzen's POV*

"Oh ano, may nalaman na kayo?" Tanong ni Zap.

Binigyan kasi namin ng ilang araw ang bawat isa samin para mangalap pa ng mga kasagutan sa kanya kanyang tanong.

"Marami." sabi ko. "At hindi mo aakalain."

"I did get some vital informations." sabi ni Azure.

"Pareho lang pala tayong tatlo. Might as well, we piece it together?" sabi ni Zap. Nagtanguan naman kami sa isa't isa.

"Who's first?"

"How about we select a topic then share informations? We're all in this anyway." suggest ni Azure.

"Mas maganda yun." sabi ko naman.

Tumayo naman si Zap sa pagkakaupo at kinuha yung folder sa maliit niyang book shelf.

"Unahin na natin si Vlad." sabi niya at inilapag sa mesa ang mga folder.

"Tama. I think the best way to start putting the pieces together is to start with him. Sa tingin ko rin kasi importanteng tao dito si Vlad." sabi ni Azure.

"Ganon rin ako." pagsang-ayon ko.

"Let's see." sabi ni Zap at sinimulan na niyang basahin ulit ang isang papel. "Axle Vladimir Rij. Born: April 13 and--"

"Duh. Di naman yan kailangan eh. Let's just jump into his history. Hindi naman natin kailangan lahat ng tungkol sa katauhan niya." pagpuputol ni Azure sa sasabihin ni Zap.

"Oh eh anong gusto mo? Tss. Okay eto nalang. Axle Vladimir Rij o mas kilala natin as Vlad is once part of the council." sabi pa ni Zap.

"Hindi na bago." sabi ko. Zap just gave me a look and then Azure continued.

"He was sent into this classified mission. Ang nakalagay dito is Irises Cave but he Failed it and from then on he was considered dead but then we eventually figured out that he was just missing. What does it supposed to mean?" sabi niya.

"Siguro dahil na failed niya yung mission, pinatay sya ng council?" sabi ko. Tinignan naman nila akong dalawa with a smug look on thier face. I thought that was a good joke, it wasn't anyway. =.=

"What? Hindi naman natin alam to what extent the council can do diba?" sabi ko. Napaisip naman sila dun pero maya maya pa ipinagpatuloy narin ni Azure ang mga sinasabi niya.

"As i said, Hindi na siya nakita muli matapos ang mission na binigay sa kanya ng council that's why everyone thought he was dead. So kung napatay nga siya or pinatay siya ng council tulad ng sinasabi mo, why would they keep the info. in the Intel House, that he was missing? And claim that he's dead instead." sabi ni Azure. Tama may point nga sya dun.

"Maybe that was just their Front to hide the truth?" sabi ni Zap.

"No, I don't think so. Sinadya nila yung itago. They didn't think that we would infiltrate the Intel House kaya inisip nilang safe yun dun. They think na wala na ni isa sa council ang kukwestyon sa bagay nayun. Imagine, that was a long time ago. Bata pa tayo nun." sabi ni Azure.

"Bata pa naman tayo ngayon ah." sabi ko.

"Bata mo mukha mo, 19 ka na at malapit ng mag-twenty uy, Graduate ka na sa pagiging teenager. Ang tanging teenager nalang satin ay si Ley." sabi ni Zap.

"Bata pa rin naman yun." sabi ko.

"Ewan ko sa'yo. Atsaka-Teka! Hindi naman yan pinag-uusapan natin dito ah." sabi ni Azure.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon