Their Guardians' Type

125K 3.5K 927
                                    

Salamat sa pag-iintay. <3

zozozozozozozozozozozozozo

*Keisler's POV*

*sighs*

Pumulot ako ng isang bato saka tinapon ko ito sa lawa.

Guardian nako ng anak niyo! At sya na ngayon ang bagong Mommy ko, pero ikaw hindi ka pa rin pumupunta dito!

Kumuha ulit ako ng bato saka ko tinapon ulit sa lawa.

Sana man lang sinabi mo saking may konting pagkatanga ang anak niyo.

Ang dami ko ng binigay na hints, hindi pa rin niya alam. Ayaw niya pa ring magshare, ni pagkakaroon nga niya ng protector hindi niya pa rin alam. Pinapahirapan mo naman ako.

Alam ko na naman mula't sapul palang ay nakalaan nako sa anak niyo pero mama naman. Tapikin niyo po si Mommy. Sabihin niyo rin na idilat ang mata!

Umupo ako sa kahoy na nasa gilid lang ng Lawa. Nakahalumbabang tumingin ako sa malinis na tubig ng lawa.

"Mama Alice naman eh. Bakit ang dami naming nandidito?" Naguguluhang sabi ko.

*Asper's POV*

"Sir! Ano bang gagawin namin?" tanong ni Ashley.

Nandito nga pala kami sa empty room. Somewhere in the wilderness. lol.

Kidding aside. Nandito kami sa isa sa mga empty room ng Lower Class. Sabi kasi ni Sir, simula ngayon dito na ang meeting room namin.

Kami lang naman nila Krema, Ashley, Kayle, Nikki at Ella. Ewan ko kung saan na nagsuot si Clynn.

"Ang sumunod sa sasabihin ko." sabi naman ni Sir Gwapo.

"Eh S-sir? May klase pa po kami?" tanong ko naman. Huminto naman si Sir kakalakad sa harapan namin at tumingin sakin.

::>.<::

"Para malaman niyo. Nagawan ko na yan ng paraan. I convince the faculty to spare you from classes." sabi niya.

"Pano po sir?"

"Alam niyo bang sawa narin ang faculty sa mga nirereport tungkol dyan sa gulo niyong taga-lower class and special class?" tanong niya samin but none of us answered kaya ipinagpatuloy niya ang sinasabi niya. "Kaya we decided to settle this for once. Nung narinig namin ang tungkol sa panghahamon daw ng mga taga-special class sa inyo, we then agreed on one thing. Isa samin ang magtuturo sa inyo ng advance techniques in fighting na hindi namin itinuturo sa mga lower class. You are the first ever Lower Class group na makakatikim ng training ng special class. Naisip kasi namin na its a bit unfair sa inyo ang pagharap sa kanila and at the same time, Special Class should somehow learn some lessons hm? Kaya eto ako sa harap niyo. Any questions?" mahabang sabi niya.

"A-ano po ba unang ituturo niyo samin?" tanong ni Ella na nakayuko lang. Sa kanya naman ngayon tumingin si Sir. I mean, tumitig.

"We will settle that out after assessing everyone's capabilities." sagot ni Sir.

Nagkatinginan naman kami nila Kayle. "S-sir, Pwede pass muna ako dyan? May gagawin pa kasi ako ngayon eh." pagpapalusot ko.

"No need to hurry it, We will start your special training tomorrow." Aangal pa sana kami kaso naunahan niya kami. "No buts."

"Sir. Nga pala matanong ko lang, Bakit ikaw? I mean sa lahat ng teachers sa faculty bakit ikaw pa ang magtuturo samin?" tanong ni Ashley.

"That." sabi ni Sir at tumingin sakin saglit saka binaling ulit kay Ashley. "is for me to know and for you to find out." Nakangiting sabi niya. O...kay? Pero bakit pakiramdam ko may kinalaman ako? Aish. Nevermind.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon