Muling Pagkikita

119K 3.3K 417
                                    


*Somone's POV*

Dahan dahan akong lumapit kay Mr. White. Alam ko naman kasing mainit pa ang ulo niya dahil sa mga problema niya kaya medyo nakakatakot pang lumapit sakanya. Its not that i'm afraid of him pero di mo parin maiaalis sakin ang kaba lalo na't alam mong siya ang nakakataas sa'yo. It's like an employee facing his boss-feeling.

"Mr. White." Nakuha ko naman ang atensyon niya.

"Bakit?" pasinghal niyang sabi.

Inabot ko sa kanya ang isang white folder na naglalaman ng mga impormasyon.

Agad niya itong kinuha, binuksan at binasa. Makailang minuto ang nakakaraan ay nakita kong nangunot muli ang noo niya.

"Hanggang ngayon ba naman?!" Inis na sabi niya habang binabasa ulit ang nakasulat sa mga papel.

Isa iyong classified information tungkol sa Irises Cave na sobrang kinaiinisan ni Mr. White ngayon. Naiinis sya dahil hindi man lang nagkakaroon ng progress ang pagkakalap ng impormasyon tungkol sa bulaklak na tinatawag na Moons Flower na matatagpuan sa loob ng Irises Cave.

Wala ni isa samin ang nakakaalam sa totoong lokasyon non maliban sa isang taong kilala ng lahat. Sya lang ang bukod tanging nakakaalam kung saan ang Irises Cave, Sya rin ang una't huling taong nakapagbigay ng impormasyon tungkol don.

"Sir. May gusto po ba kayong iparating o ipasabi sa kanila?" tanong ko sa kanya. Ito naman kasi ang role ko, ang maging mensahero at utusan. =_=

"May naisip nakong solusyon tungkol dito." sabi niya. Bigla naman ako nakaramdam ng kaba.

"Ano po yon?" tanong ko. Hindi naman niya ako sinagot instead kumuha sya ng kapirasong papel at may isinulat doon.

"Gusto kong personal mong iabot yan kay Mr. Xion. at sabihin mo rin kay Mr. Z. na ipatawag lahat ng Council members. Board members or Underlings man, Gusto kong makita sila lahat sa lalong madaling panahon." Sabi niya na tila bawat isang salita ay binibigyan niya ng diin.

Tumango ako bilang sagot saka inabot ang papel.

"Makakarating po." sabi ko saka umalis sa opisina niya.

Binasa ko ang laman ng papel saka sinunog gamit ang init ng kamay ko. Alam ko na ang iniisip niyo sa ginawa ko at tama kayo, hindi ako mapagkakatiwalaang kasapi ng Council, Tanging isang tao lang ang nilalaanan ko ng katapatan ko. Ang Master ko.

Sa halip na dumiretso kay Mr. Xion at ibigay ang pinabibigay sakin sakanya ay dumiretso ako sa isang taong mas importanteng makita ko ngayon.

Nang makarating nako sa lugar kung saan kami magkikita ay agad ko na syang natanaw. Hindi naman buong eskwelahan ay sakop ng Council, meron paring lugar na maaaring makakapag-usap ng malaya kaya kampante akong ligtas makipag-usap sa kanya dito. Pano nalang ang Headmaster? Kakalimutan nalang ba ang Headmaster na di sang-ayon sa ginagawa ng council? idagdag pa ang thought na sya ang Founder ng eskwelahan? Kaya impossible talagang masakop ng Council ang buong school.

Isa na dun ang malawak na hardin na ito...

"Vlad." tawag ko sa kanya.

"Sebastian." sambit niya sa pangalan ko at oo sya nga ang Master ko.... dahil ako ang Guardian niya.

Hindi alam ng council o ng kung sino man maliban saming dalawa ni Vlad ang koneksyon naming ito, Itinago niya ang pakikipagkontrata sakin dahil sa isang bagay.

Matalino si Vlad, kaya una palang ay kinontrata na niya ako para maging guardian niya dahil alam niyang dadating ang panahon kung saan mangangailangan siya ng mata at tenga sa loob ng council since hindi siya makakalapit kaya heto ako ngayon, taga bigay ng impormasyon sakanya.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon