Lost Academy #18

158K 3.9K 470
                                    


Chapter 18: New Kid

[ASPER]

"What the-!" sabay sabay na sabi namin.

"Akin nato!"

"Ako yung unang nakakita!"

"Ako ang unang nakakuha!"

"Akin to!"

"Bitawan mo nga, sabi nang akin to eh!!"

"Bakit ba?! Akin to! Can't you just bitaw bitaw this!"

"I won't, 'cause this is rightfully mine!"

"Just bitaw okay?!"

"No, no, no. dapat you bitaw this!"

"May topak ba ang mga estudyante dito?" pabulong na tanong ko kay Nikki.

"Ah minsan." pabulong din niyang sabi. Alam niyo kung bakit?! Pinag-aagawan lang naman po ng mga bandaritas ay mean ng tatlong babae ang blazer ni-wait! Ang blazer nga!

"Bakit niyo ba pinag-aawayan yan?" tanong ni Ashley.

"Duh! Can't you see oh." sabay naman nilang pinakita samin ang Blazer

"Oh-teka pano nagkaroon niyan dito?!" sabi ni Ashley na di makapaniwala.

"Oo nga!" sabi naman ng ilan sa mga estudyante sa may pintuan.

"Ewan namin, basta we kita this sa isa sa upuan ng classroom niyo." sabi nung Special Class Student. Arte ah. dalawang SPS at isang LCS ang nag-aagawan ng blazer.

"I'm so maswerte kasi nakita ko 'to. It's so rare naman kasing makakita ng Upperclass uniform dito no, inaagaw pa nila." inis at maarteng sabi ng isang babae.

"Anong ikaw nakakita?! me kaya." at nagsimula nanaman po sila mag agawan. Di kaya masira yang blazer? isasauli ko pa naman yan.

"Pano ba kasi yan nakarating dito?" tanong bigla ni Kayle, nagshrug naman sila Ashley at Nikki.

"Kanino kaya yan no?"

"Malamang kung sinong makakuha niyan paniguradong makakameet ng isang Upperclassman."

"Di nga?"

"Oo, Diba mga gwapo ang taga upperclass?"

"Naku! pag ako nakakuha niyan baka mainlove sakin ang may-ari niyan."

"Talaga? Pag ako makakakuha na ko ng chance para makameet narin sa wakas ng isang Upperclass Student o di kaya ang Fatal Error! Kyaaaah!" iriit nung isa.

"Kaya tara girls!" Bulungan nila bago makisali sa rambolan. Masisira na yung blazer, lagot. Bakit ba kasi nauso ang kalandian?

"Oy teka, ano ba!" pagrereklamo ko. Nababanggaan na kasi kami.

"Nikki? Kayle? Ashley?" tawag ko pero dalawa lang tumugon si Kayle at Nikki lang.

"Asan si Ashley?" tanong ko.

"Ayun, nakisali sa rambulan!" inis na sabi ni Kayle.

"Para blazer lang eh!" sabi ni Nikki.

"Grabe sila ha!" sabi ko. Isasauli ko pa yan, baka mapunit! Kailangan kong makuha yan.

"Kayle, Niks." tawag ko sa kanilang dalawa agad naman silang lumapit.

"Ano?" sabay na sabi nila.

"Kailangan nating makuha yan." sabi ko.

"Asper pati ikaw? Asper naman dadagdag ka pa dyan? Aba kahit gusto ko ring makuha yan di ako makikipaggitgit dyan." sabi ni Kayle.

"Kayle makinig ka nga muna kasi!"

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon