Girlfriend Thingy

120K 3.3K 753
                                    

Sorry if matagal ang update. But don't worry guys; secrets will be revealed soon.. ^__^

*Asper's POV*

Hahaba talaga ang araw ko nito.

Sumunod ako kay Ashley na hanggang ngayon ay hila hila parin si Rave. "Alam mo Asper. Kung nakita mo mukha ng guardian mo kanina maaawa ka talaga. Nag-aalala sa'yo eh, kala niya may kung anong nangyari sa'yo dahil hanggang ngayon hindi mo parin daw sya tinatawag! Bruha ka! Yun naman pala kasama mo tong poging poging Ley!" sermon niya pa. O.O Bakit ko nga pala hindi tinawag si Keisler, kung tutuusin pwedeng pwede ko syang isummon kahit saan diba?

Katangahan Asper pinapairal mo eh!

"Oo nga no? Ba't nga ba hindi mo pinaalala Rave? Alam mo naman diba ang tungkol don diba?" tanong ko kay Rave. Hindi naman nya ako sinagot sa halip ay nag-iwas sya ng tingin at tuluyan na ngang nagpahila kay Ashley.

"Hahahaha. Mamatay ang maiinggit!!" Masayang sabi ni Ashley na umuuna ng maglakad kasabay si Rave, humabol naman ako sa kanila. Loko talaga ang babaeng yun, nakita lang si Rave kinalimutan na ako. Parang kanina lang hinahanap niya ako kasi nag-aalala na daw sila ng bigla akong mawala, ngayong nakita niya si Rave parang. Woosh! Sa isang iglap, hindi nako nag-exist!

Nang makarating kami sa eskwelahan sumalubong sakin ang mga nag-aalala nilang mukha. May mga teacher na rin akong nakikita, Wow. Ganun pala ang epekto ko kapag nawala ako? Nakakatouch naman! haha. So ayun nga, sinalubong ako ng sermon nila Nikki, Ella, at Kayle pero nung nakita si Rave. Kinalimutan ulit ako! >3< Ang sasama ng mga taong to!

"Shocks! Hindi mo naman sinabing magdadala ka ng pogi dito Asper!" sabi ni Nikki. Napakamot nalang ako ng ulo dahil hindi pa man ako nakakasagot, tinalikuran na ako at inasikaso si Rave!

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!"

"OMYGOSH talaga Girls!!"

"WAAAAAAAH! I'm DREAMING!!"

"SI LEY NASA SA SOUTH WING?!! WOW!! ITS SO KYAAAAAAAAAAAAAH!!"

"LEEEEEEEEY!"

"LOOOOOOVE ME LEEEEEY!!"

"KYAAAAAAAH!"

"EEEIIIIIII!!"

"Mommy!" Bigla akong niyakap ni Keisler. "Kala ko talaga may nangyaring masama sa'yo dahil hindi mo ko tinatawag." dagdag niya pa ng humiwalay na sya sa pagkakayakap sakin.

"Pasensya na, nawala sa isip ko. Sorry talaga Keisler. Sorry talaga." hinging patawad ko.

"Okay lang, basta sa susunod mommy ah. Wag mo ng kakalimutan." paalala niya. Tumango tango ako sa kanya.

"Teka lang mommy. May kakausapin lang ako. Lalaki sa lalaki!" sabi niya habang tinitingnan niya si Rave ng nakasalubong ang kilay.

"A-ah?" tanging lumabas sa bibig ko. Nakita ko na kasi syang naglalakad papalapit kay Rave. Hindi nga lang sya makasingit sa kumpol ng mga babae dahil sa rumami bigla ang nakikisiksik. Nang sa wakas ay nainis si Keisler ay bigla nalang syang nagdabog paalis. Kung makaasta kasi tong mga babaeng to parang hindi pa nila nararanasang itaboy ni Rave. tsk. Ang lalandi! 

"Kala ko talaga, kinuha ka na ng multo. Yun pala, ibang multo ang kumuha sa'yo." biglang sabi ng taong tumabi sakin. Di ko man tingnan, sa boses palang niya alam kong si Krema ang taong tumabi sakin. "Anong ginawa niyo?" tanong niya pa. Napatingin ako sa kanya pero saglit lang dahil binalik ko agad ang tingin ko kay Rave na hindi na talaga nahihitsura ang mukha sa mga pinaggagagawa ng mga babaeng nakapaligid sa kanya.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon