Binabalik ko lang

103K 3.4K 388
                                    

*Asper's POV*

T_____T

Kakausap ko lang kay Clynn kanina para sana isali siya sa grupo. Alam niyo anong sinabi niya?

"Ayoko."

Binasag niya pag-asa ko. T^T Pero, mamaya na muna yan dahil may mas importante pa kong pupuntahan.

This is my back up plan. Ang kausapin ang Headmaster. At Oo, papunta nako dun.

Patungo palang ako sa office ng Headmaster ng may nakita akong babae. Sa pwesto niya at sa itsura niya parang may hinihintay syang dumating.

Nilapitan ko sya at napansin niya naman ako. "Asper." sabi niya.

Nakakunot noo ko siyang tiningnan, pamilyar sya ah. Parang... sya ata yung babaeng kasama dati ni Rave yung babaeng may maiksing buhok. A- Azure! yeah, parang Azure yun.

"May hinihintay ka po ba dito?" tanong ko.

"Meron and drop the Po word." sabi niya. Tumango ako saka nagtanong ulit.

"Sino?"

"Ikaw." sabi niya. Ha? Ako?

"Pano mo nalaman na pupunta ako dito?" tanong ko. Nagshrug lang sya sakin.

"Gut feeling." sabi niya.

"Bakit anong kailangan mo sakin?"

"Gusto ko lang makipag-usap sayo? May gagawin ka ba?" tanong niya.

"Sana. Pero pwede naman yun ipostpone eh." Nakangiting sabi ko. "Tungkol saan ba ang pag-uusapan natin?"

"Wala. Tungkol lang sa mga bagay bagay." nakangiti rin niyang tugon.

Dinala niya ko sa isang lugar na ngayon ko lang nakita. May garden pala dito na ganito kaganda? Talaga naman oh. Kailangan ko pang pasyalin ang lugar na ito ng todo. Pinalalagpas ko lang ang magagandang sites sito. tsk.

After a couple of minutes finding a right spot to talk, I watch her settled on a small bench right under the shade of a tree, she then beckoned me to sit down beside her which i obligue to do so. Naks! English!! xD Tinatry ko lang kung keri ko talagang mag-english ng straight.

Naupo kami ng tahimik. Minuto pa nga ata ang dumaan eh, wala pa ni isa samin ang nagsalita. Nagtataka rin kasi ako kung bakit bigla nalang sya nagpakita at gusto makipag-usap sakin.

"Asper Rij. Diba?" pambasag katahimikan niya. Tumango ako bilang sagot kahit na alam kong di siya nakatingin sakin. Nakasanayan na siguro? Yung katulad ng pag may kausap ka sa cellphone tapos may sinasabi siya tapos ikaw nagna-nod ka kahit na hindi naman niya nakikita? Tanga lang no?

"Tell me Asper, Anong tingin mo sa eskwelahang ito?" tanong niya. Napaisip naman ako sa tanong niya.

"Maganda." tapos naalala ko yung mga lugar dito na ngayon ko lang talaga nakita at parehong kamangha mangha lahat. "Unique." yes, Unique. Ngayon ko nga lang nalaman na may eskwelahang katulad nito. "at Masaya." sabi ko. Napangiti naman ako sa mga naaalala ko. Masaya dahil marami akong nalaman, hindi pa man ganon katagal ang stay ko dito pero marami ng nangyari at marami na rin akong nakilala na hindi ko aakalaing makikilala ko sila. "Di tulad sa dati kong school." dagdag ko pa.

"Ano pala buhay mo noon, nung hindi ka pa napunta dito?" tanong niya ulit.

"Hindi ko mapagtuunan ang kasiyahan noon dahil hindi ko pa nun alam kung papano buti nalang nandyan sila Uncle Miguel, Aunt Jasmine at si Kuya." Nakangiti pa ring sabi ko.

"kuya?" tanong niya.

"Oo, si Kuya. Sya lang ang pinakaclose ko sa lahat. Simula nung mawala magulang namin siya na ang nag-alaga sakin. Alam mo, mahal na mahal ko yun kahit medyo may pagkaseryoso at sungit yun eh. Hahaha." Natatawa ako sa sinasabi ko. Naalala ko kasi si kuya at yung pinaggagagawa namin nun. "Namimiss ko na sya."

"Ano pala pangalan ng kuya mo?"

"Axle. Si Kuya Axle." Nakangiting saad ko.

"S-san sya ngayon?" hindi ko alam kung bakit ah. Pero feeling ko parang kinakabahan siya sa kung ano mang isasagot ko sakanya. Bakit kaya?

"Hindi ko alam." sabi ko at feeling ko nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ko. "Pero nung huling kita ko sa kanya ay nung hinatid niya ko dito." dagdag ko pa. Marahas naman syang napatingin sakin.

"H-hinatid ka niya dito?!" Gulat na sabi niya. Tumango naman ako. Bakit ganon nalang ang reaksyon niya? >.<

Nagulat naman ako ng bigla siyang tumayo. "Salamat sa oras. Sige sa susunod nalang." mabilis na sabi niya saka sya umalis. Anong nangyari don?

Tatayo na sana ako nang may biglang tumakip sa mata ko.

"Sino to?" tanong ko agad. Marahas ko itong tinaggal at luckily, natanggal naman. Nilingin ko kung sino ito at nagulat ako sa nakita ko.

"RAVE?!" As in nagulat talaga ako. Sino ba naman ang mag-aakala na sya ang tumakip sa mata ko?! I mean, c'mon that was a childish act. Buti sana kung ako ang gumawa non pero Hello? Si Rave yun si RAVE.

I heard him cursed under his breath. Ano kayang pinaplano nya?

"Hoy! Anong balak mo?!" pasigaw na tanong ko. Di naman siya makatingin sakin.


*Ley's POV*

Potek!

Ginugulo ng isip ko ang sinabi sakin ni Sambre.

"Ano bang ginawa mo?" inis na tanong ko sa kanya.

"HAHAHAHAHA. Wala kang ideya Hollows?" mapang-inis na tanong niya.
"Ano ba kasi?!"
"Hinalikan ko sya Hollows." seryosong sabi niya. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
"Ano?!"
"Hindi ko nga akalain." sabi niya pa.
"Bakit mo ginawa yun?!" tanong ko ulit pero hindi na sya sumagot.

Pahamak! Kaya pala ganon nalang ang reaksyon niya sakin. Yun pala ang ginawa niya! Babae nga naman.

Hahanapin ko na sana siya ng makita ko syang nakaupo sa isang bench sa may garden habang nakatingin sa babaeng naglalakad paalis.

Naalala ko naman bigla yung sinabi ko sakanya. Damn. Isa yung pagkakamali.

"B-babawi ako."

Ano nga bang pumasok sa isip ko at sinabi ko yon? babawi ako? Ako ba talaga ang nagsabi non?

Habang tinitingnan ko sya, hindi ko na namalayan na nakalapit nako sa kanya at ang mas malala pa, tinatakpan ko na ang mata niya.

Ano ba talagang ginagawa ko? Protector niya lang ako. Hindi kaibigan, hindi...

Nagulat nalang ako ng marahas niya tinaggal ang kamay ko sa pagkakatakip ng mata niya at nilingon niya ako. Parehas kaming nagulat.

"Damn!" maginang mura ko.

"Hoy! Anong balak mo?!" pasigaw niyang sabi.

And then i did the most unthinkable and unexpected thing that i never thought i could do.

I kissed her.

*Asper's POV*

O___O!

He kissed me. And he's still kissing me. 0__0!!

Wha-w-what the h-hell?

Hindi naman gumagalaw ang lips niya its just a plain kiss that lasts... i-i-i d-don't know basta matagal.

Hindi ako makapalag o makasalita. I'm Speechless.

Parang tinanggalan ako ng dila at tinakasan ng lakas sa ginawa niya. I'm too stunned to react.

When he finally broke our lips apart. He muttered something.

"Binabalik ko lang." sabi niya then i saw his face reddened a bit.

Mabilis naman syang tumalikod at umalis.

While me.... He left me stunned and dumbfounded.

Binabalik ko lang?

Fuuuuuuuuuuuudge!!!! >////<

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon