Lost Academy #84

48.5K 1.9K 217
                                    


Lost Academy #84 Reunited


"Kuya." mahinang tawag ko sa kanya. Hindi ako lubusang makapaniwala. Siyang-siya nga ang narito. Paano nangyari 'to? Susunduin niya na ba ako at iuuwi? Pero bakit dito sa may North Wing pa?

"Fern." Nasa state of shock pa rin ako ng sabihin niya iyon. Sigurado talaga akong boses yun ni Kuya.

"Bakit ka nandito? Uuwi na ba tayo? Sinusundo mo na ba ako?" sunod-sunod kong tanong ng makabawi ako sa pagkagulat. May kung anong nasa mukha niya na nagsasabi ng kabaliktaran."O h-hindi ka nandito para doon?" Hindi ko alam kung ano ba talaga ang mararamdaman ko. Masaya ako na nandito sya at nakita ko si Kuya pero parang kinakabahan ako at the same time sa presensya niya. Para kasing may iba siyang pakay sa pagpunta niya dito ngayon, kasi kung susunduin niya ako, Bakit ngayon pa? Bakit dito pa?

"Fern. Magpapaliwanag ako." sabi niya at humakbang ng isa papalapit sa akin. Hindi ko alam ang dahilan pero napaatras ako ng wala sa oras, para bang otomatikong nirerekognisa sya ng buong sistema ko na isang threat. Hindi dapat ito ang maramdaman ko pero pakiramdam ko sa oras na ito may kung anong mahalagang bagay akong malalaman na sa hinaharap ay hihilingin kong hindi ko na sana nalaman.

"Hindi mo ko susunduin. Iba ang pakay mo. N-nung una palang alam mo ng hindi dapat dito ang pinuntahan natin Kuya. A-alam mong hindi Fords 'to. Alam mo pero nandito ako ngayon. Nandito tayo ngayon." utal kong sabi. "Bakit Kuya? Katulad ka rin ba nila? May kakayahan ka rin bang tulad ng kanila? Sabihin mo. Kilala ba talaga kita?" diretso kong sabi. Naramdaman ko nalang na hinawakan ni Rave ang magkabilang balikat ko mula sa likod at hinila ako papuntang likuran niya dahilan para matakpan ang view ko kay Kuya.

"Hollows, mag-uusap muna kami." narinig kong sabi ni Kuya. "Pwede ba?" Napalingon ako at nakita kong nagsitanguan sila Zap kay Kuya Axle at bumalik na sa kwarto ng Fatal Error.

"Hindi ng hindi ako kasama." narinig kong sabi ni Rave. Nakaramdam naman ako ng kaunting ginahawa sa sinabi ni Rave buti nalang talaga at nandiyan siya.

"Can you give us a minute?" pakiusap ni Kuya. Nahabag naman ako sa narinig. Tiningnan naman ako ni Rave saglit bago niya binalik ang tingin niya kay Kuya.

"2 minutes." sabi ni Rave.

"10." sabi naman ni Kuya. Sinilip ko naman ngayon si Kuya at kumapit kay Rave.

"5 and that's final." sabi ni Rave. Napabuntong hininga nalang si Kuya at tumango. Hinarap naman ako ni Rave saka binulungan.

"Nasa malapit lang ako. Shout if something happened. I'll be back." tumango nalang ako at tinanaw syang umalis. Now what? Sumunod ang mahabang katahimikan sa amin ni Kuya ng tuluyan ng umaalis si Rave.

"Fern." basag katahimikan niya. "I'm sorry." he said almost a whisper, napatitig naman ako sa kanya at hindi siya makatingin sa akin ng diretso ngayon.

"Sorry sa pag-iwan mo sakin dito? O sorry sa hindi pagsabi ng totoo?" tanong ko agad. "Kuya, ano ba talaga tayo? Sino ka ba talaga?" I almost choke in my own statement. Ibinaba ko naman ang asa sa pagkakahawak ko.

"I'm sorry for not telling you the truth and for leaving you here." sincere na sabi niya and just like that biglang nawala ang agam-agam ko and right at that instant, nangibabaw ang pangungulila ko sa kanya. Agad ko siyang nilapitan at niyakap. Bahagya naman siyang nagulat.

"Namiss kita." sabi ko. I can't possibly stay mad at him. Siya nalang pamilyang meron ako, aside from Aunt Jasmine and Uncle Miguel. Well, I also miss them pero iba talaga kapag yung pamilya mo talaga. I feel safe already. Naramdaman ko nalang din na niyakap din niya ako.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon