Lost Academy #91.2

20.9K 861 161
                                    

Lost Academy #91.2 Show Off (Part 3)

[THIRD PERSON]

"And now, brace your selves ladies and gentlemen 'cause the game will finally begin!" saka may tumunog na parang buzzer na naging hudyat ng pagsisimula ng game.  

Naghihiyawan na ang mga manonood nung narinig nila ang emcee. Ito'y hiyawang pabor sa DP o Dark Piece dahil halos lahat sa mga nanonood ay mga tagahanga nila. Sino nga ba naman ang hindi hahanga sa grupong tatlong taon ng namayagpag sa larangan ng show off. Ang kasikatan ng DP ang siyang nagpapatunay kung gaano pinapahalagahan ng buong eskwelahan ang pagiging malakas at matapang sa pakikipagtunggalian. Dumadagdag ito sa pagiging competitive ng mga estudyante sa loob ng eskwelahan ngunit lingid sa kaalaman ng ilan, sa likod ng kasikatan at pagiging simbolo ng Dark Piece ng lakas ay ang mapaglarong pag-uugali ng iilang miyembro nito na umabot pa sa puntong hindi nila alam na sa ginawang desisyon nilang ito ay maaaring makapahamak ng maraming tao.


"White moves first." sabi ni Kell, isa sa kambal, na may mapaglarong ngiti sa labi. Ngunit bago pa man makagalaw ang kalabang kupunan ay may biglang itinaas si Earl sa kanang kamay nito. Inaninag ito ni Asper at napag-alamang ito nga yung orasang ninakaw nila nung nakaraan.

'Mga walangya, mga magnanakaw!' napatiim-bagang nalamang si Asper sa nakita niyang bagay na iwinagayway ni Earl sa ere.


Sa puntong iyon ay nagsimula na nga si Asper sa unang hakbang nila. "Mera 2, umabante ka ng dalawang hakbang pasulong." utos na Asper na agad namang tinalima ng isang doppleganger ni Mera (guardian ni Kayle) na nasa harap ngayon ni Asper (King position). Sa kadahilanang wala si Keisler at si Rave ang doppleganger ni Mera ang pumuna sa bakanteng posisyong iyon sa harap ni Clynn at Asper na pinayagan din naman ng admin. Bale sa ngayon si Mera 2 ay nasa harap ni Asper at si Mera 3 ang nasa harapan ni Clynn. Kung tutuusin si Clynn dapat ang nasa posisyon ng guardian kaso nga lang no-show si Rave kaya napagdesisyonan nilang magkakagrupo na gawing official si Clynn at doppleganger nalang ang ilagay sa kayang posisyon.

"Kyt." matapos ang ginawang move ni Asper ay agad namang tinapatan ito ng DP kasabay ng pagtango ni Kyt sa pagtawag ni Dew ay siya namang pagtango rin nito sa kanyang guardian na tinatawag niya sa pangalang Blaze. Si Blaze ay katulad din ni Keisler na nag-aanyong tao rin para ikubli ang totoong itsura at kung anong klaseng specie ng guardian ito, at tulad narin ni Keisler nasa parehong kategorya rin si Blaze (dangerous type), malayo sa kategoryang ginabibilangan ni Mera. Kung kaya't nung humakbang ito pasulong alam na nila Asper na walang laban si Mera 2 dito.

'mukhang umpisa palang, mahihirapan na kami.' nakakuyom na tiningnan ni Asper ang sitwasyon sa kanyang harapan at yun nga isang kumpas lang ni Blaze ay nawala nalang bigla si Mera 2. Great, napakagandang umpisa. woh!

Nagkatinginan naman ang magkakaibigan (Ashley, Asper, Nikki, Kayle at Holey) na pawang sinasabi ng mga mata ng bawat isa 'ano na? sinong gusto sumunod?' sa totoo lang napapangunahan na sila ng takot at halos ipagtulakan na nila ang isa't isa kung sino ang susunod sa kanila gamit lamang ang mga tinginan nila. Napakamot na lamang si Estrella sa kanyang batok at napaisip. '

'akala ko ba matatapang tong mga 'to?' bahagya nalamang napatawa si Estrella saka siya napabuntong hinanga. "ako na." saka siya humakbang papalabas ng kanilang linya. Sabay sabay namang napatitig sa kanya ang mga babae sa kanilang grupo na tila ba'y sinasabi ng mga titig nilang ito na 'isa kang tunay na lalaki Krema!' at hindi na nga kinaya ni Estrella at bigla siyang napatawa. Dahil dito ay napataas ang kilay ng mga miyembro ng DP. 


*COUGH* *COUGH* *COUGH*

"Nate." sunod na tawag ni Kyt. "Attack." simula palang ay wala ng sinayang na oras ang King ng DP sa kaniyang pag-utos. Ang tanging gusto niya lang ay matapos na agad ang laro at mapatunayan sa lahat na insekto lamang kung ikukumpara sa kanila ang kupunan nila Asper. Kung kaya't kung may pagkakataon siya ay di na siyang mag-aatubiling umatake pa. Kung hindi lang sila nakabound sa restrictions ng laro siguradong matagal na niyang inatake ang mga ito. Sa totoo lang, kumukulo pa rin ang kanyang dugo sa tuwing nakikita niya pagmumukha ni Asper, mula nung sinabutahe ang tunggalian nila ni Dew at Asper. Hindi man niya alam ang buong detalye pero hinala niyang may kinalaman si Asper doon. Direkta o hindi man direktang kasangkot, malakas ang kutob ni Kyt na may kinalaman talaga si Asper kung kaya't ilalagay niya na sa sarili niyang kamay ang paghuhusga kung karapatdapat bang matalo ng isang LC ang isang SC na sa ganon kataas na level ni Bridget Dew but the way he sees it, mukhang mahihina sila Asper.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon