♥️Chapter 3♥️

302 17 0
                                    


Nandito na ako sa parking lot ng university because today is my first day, I wear my black mask before going out. Pumasok na ako ng gate malalaking building agad ang sumalubong sa akin, dumiretso na ako sa Dean's Office

"Good morning po" pag aagaw ko sa atensiyon ng lalaking nakaupo at naka salamin

"Good morning too please come in" sagot niya at tuloyan na akong pumasok

Tsaka niya ako nilingon at sinenyasang maupo kaya naupo naman ako agad

"Thank you po ,can I get my schedule and my I.D sir?" ako

"Whats your name ija?"

"Im Danica po, Danica Marie Ventura" sagot ko na automatikong kinalaki ng singkit niyang mga mata

"Ms. Ventura ang unica ija ni Mr. Dominique Ventura ,nice to meet you ija" at inabot niya na ang kailangan ko

"Thank you sir mauna na po ako" ako at lumabas na nga

Naglakad lakad ako at tumambay muna sa cafeteria 8:30 pa naman ang start ng orientation at welcome program namin. Nag order nalang ako ng tubig at naupo habang kinakalikot ang cellphone ko

"Ah hi, can we join you?"

Inangat ko ang tingin ko, naka tayo sa harap ko ang tatlong babae at isang lalaki no a gay rather

"Yeah sure" ako at agad naman silang naupo

"By the way Im Marga Buenavista"

"Zoey Montes"

"Im Lara Mabini"

"And Im Jerry Buenavista ,Bea sa gabi charot lang cousin ko si Marga" napa tango tango lang ako

"Im Danica" ako

"Transferee ka ba dito? Isa lang kasi ang high school dito and this is the first time I saw you" tanong ni Jerry

"Yeah sa Laguna kasi ako lumaki then dito na ako sa Manila" sagot ko

"Can I see your face?" tanong ni Jerry pero hindi ako kumibo

"Hoy bakla tumigil ka nga, ah Danica sorry masiyadong madaldal at makulit itong si Jerry" si Marga

"Its okay, I just wear my mask beacause its my first time here" ako

"So friends na tayo?" si Zoey at inabot ang kamay sakin

Nag aalinlangan pa ako pero mukang mabait naman, hindi rin mayabang at parang mapag kakatiwalaan din

"Promise we are trustworthy Danica" si Zoey at tinaas pa ang kanang kamay

"Promise" sabi rin ng tatlo

"Okay friends" ako at inabot ang kamay niya

"Ayiee thank you Dani girl, dont worry hindi kami bida bida at mayabang we are not like other students here" si Jerry

Pagkatapos ay sabay sabay na kaming pumunta sa gymnasium dahil mag sastart na ang program, all students should attend daw kaya I'm sure nandun ang tatlo kung kuya.Dumaan kami sa may gitna then I saw my kuyas with their friends tiningnan nila akong tatlo sabay ngiti pero ako tiningnan ko lang sila nang parang wala lang

"Ang popogi ng Ventura brothers no" si Marga

"Lalo na yung kaibigan nilang si Andrew Montero , gosh ang pinaka gwapo sa kanila" si Jerry at impit na tumitili, kailangan ko na atang sanayin ang sarili ko sa mga to

"Alam niyo yung balita na dito raw mag aaral ang bunsong kapatid ng Venture brothers pero hindi pinangalanan kung sino" si Zoey

"I hope mameet natin siya sa personal, maganda siya sa tingin ko" si Lara

That Dangerous Girl Is MineWhere stories live. Discover now