♥️Chapter 23♥️

183 10 0
                                    

Nandito ako sa University dahil may pasok nga kami ngayon at kanina ko pa hinahanap kung nasaan si Andrew, nag lakad ako papunta sa place nila at nakita kung lumabas si Betina galing sa loob na may ngiti sa labi nang makita ako nito

"Oh hi Danica, kamusta?" tanong niya

"Im okay pero nung dumating ka hindi na" ako

"Oh really sorry huh, by the way hinahanap mo ba si Andrew nandiyan siya sa loob" nakangiti niyang sabi

"Hindi ko tinatanong" ako

"Ganun ba bye una na ako" at umalis na ito, nakaramdam ako ng kaba ano kayang ginawa ng impaktang iyon

After a minute ay lumabas na rin si Andrew habang inaayus ang polo niyang medyo nagusot ng kunti

"Babe!" nagulat siya ng makita ako

"Kanina pa kita hinahanap eh" ako

"Sorry may ginawa lang kasi ako" siya, anong ginawa habang kasama si Betina sumakit bigla dibdib ko

"Ganun ba tara na" ako at nauna ng nag lakad

Hanggang sa natapos nga ang morning class ay may kakaiba sa kilos niya parang may hindi siya sinasabi sa akin, papunta ako ngayon sa parking lot para kunin ang libro kung naiwan sa kotse ko

"Danica" sabi ng boses sa likod ko kaya hinarap ko siya

"Leonel, bakit?" ako

"Pwede ba kitang makausap?" siya

"Tungkol saan?" ako

"About the other day na nakita kita sa hospital" siya na ikinatigil ko at bigla akong nakaramdam ng kaba

"Huh h-hindi naman ako pumunta ng hospital" nautal ko pang sagot

"Anong hindi ako kaya yung nakabunggo mo" siya na ikinatingin ko ng diretso sa kaniya

"May binisita lang naman ako sa hospital yung kakilala kung Doktor" ako at tumaikod na dala yung libro

"May sakit ka diba?" siya na ikinatigil ko sa pag lalakad at hinarap ko siya

"Ano bang sinasabi mo?" ako na pinipilit ikalma ang sarili

"Dont deny it" siya na seryusong nakatingin sakin

"Wala akong sakit" pagpipilit ko sa kaniya

"May sakit ka nalaman ko kaya huwag mo ng ideny" siya

"P-pano mo nalaman?" ako

"Tita ko si Doctora Concepcion at hindi ko sinasadyang makita ang files mo sa ibabaw ng mesa niya, so you have  stage 3 chronic heart disease?" seryuso niyang sabi

"Ano naman ngayon sayo kung may sakit ako" ako at tumalikod na pero hinawakan niya ang braso

"Anong ano naman sakin Dan, nag aalala ako para sayo" siya

"Bakit ka ba nag aalala para sakin ha?" inis kung tanong

"Because I still love you Dan mahal pa rin kita hanggang ngayon at hindi yun nawawala" siya na ikinatigil ko

"Bakit?" mahina kung tanong

"Dan I dont know, the only thing I know is I still love you and I care for you" siya

"Kahit hindi na kita mahal may care ka pa rin sakin?" ako

"Oo Dan" siya

"Mamamatay na ako Leonel" saad ko at hindi na napigilan ang maiyak

"Huwag mong sabihin yan okay matapang ka diba hindi ka mamamatay" siya at hinila ako para yakapin

"Stage 3 na ang sakit ko kaya ginagawa ko na lahat para mahanap ang Mommy ko at pumatay kay Nanay Yolly habang maaga pa" ako na patuloy lang sa pagiyak, wala akong pakialam kung nag mumukha akong mahina ngayon gusto ko lang umiyak

That Dangerous Girl Is MineΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα