♥️Chapter 35♥️

178 8 0
                                    

Naka upo ako sa batohan malapit sa dagat at ninanamnam ang sariwa ng hangin nang may mga kamay na humawak sa balikat ko

"Dan" saad niya na ikinalingon ko

"Nico" at agad ko siyang niyakap

"Kamusta na?" siya

"Okay lang ako" at napahawak sa tiyan kung malaki na ang umbok

"Malaki na ang tiyan mo ah, ilang buwan na ba yan?" tanong niya at hinaplos ang tiyan ko

"Apat na buwan na" saad ko

"Sayang naman at hindi ko siya maaabutan" habang patuloy niyang hinahaplos ang tiyan ko

"Oo nga eh kukunin pa naman sana kitang ninong ni baby pag lumabas na eh kaso iniwan muna ako" saad ko

"Hindi naman kita iniwan ah tsaka babantayan ko naman kayo palagi, best friend mo pa riin ako kahit magkalayo tayo" siya

"Nico thank you" ako at pinipigilan ang luha

"Shhh huwag kang umiyak, ang tapang tapang mong tao tapos iiyak ka" siya

"Sira ka, syempre umiiyak din naman ako" saad ko

"Mag iingat ka palagi" at nginitian niya ako

"Oo naman syempre lalo ka na" ako

"Kailangan ko ng umalis Dan" at niyakap niya ako ulit

Niyakap ko siya pabalik pero bigla nalang siyang naglaho ng parang bula, doon ako lalong napaiyak at ipinikit ang mga mata

"Danica"

"Dan"

"Anak"

Saad ng mga boses na naririnig ko kaya hindi ako nagdalawang isip na imulat ang mga mata ko, puting kisame agad ang bumungad sa akin

"Gising na si Danica, call a doctor bilis" saad ng kung sino

"Dan Anak naririnig mo ba ako?" saad ng kung sino na ikinalingon ko

"Anak, anak si Mommy to" saad niya

Tuloy tuloy lang ang pag agos ng luha sa mga mata ko, si Mommy at Daddy namiss ko sila ng sobra pero parang nanghihina pa ang katawan ko

Parang pinipigilan ang bibig kung mag salita at tuloy tuloy lang talaga sa pag agos ang luha ko habang pinupunasan ni Daddy

"Shhh stop crying Anak, okay ka na ngayon at nandito na ang Mommy mo magkakasama na tayo ulit" saad ni Dad

"Anak huwag ka ng umiiyak maayos na ang lahat ngayon" si Mommy

Pumasok nga ang doctor at chineck ang kalagayan ko, kailangan ko lang daw mag pahinga para bumalik ang lakas ko kaagad pati na rin ang gamot na pinapainom sakin

Pinilit kung maupo kaya tinulongan ako nina kuya na sumandal sa may kama, nandito silang lahat sina kuya, si Mommy at Daddy nang biglang may kalokohan na pumasok sa isip ko

"Sino po kayo? Bakit ako nandito?" tanong ko na ikinabigla nila

"H-hindi mo kami kilala?" tanong din ni Mommy pabalik

"Hindi po" ako

"Kahit isa wala kang maalala nak?" si Mommy

"Bukod sa pangalan ko wala na" ako

Kita ko naman ang pagbuhos ng luha ni Mommy parang naguguilty tuloy ako pero pag titripan ko muna sila

"Kami ang pamilya mo" saad ni Daddy

"Hindi ko kayo matandaan eh, bakit ako nasa hospital?" ako

"3 months ago ng maaksidente ka anak bumunggo yung kotse po sa puno at nahulog ka sa bangin diretso sa tubig" si Dad, hala three months pala akong nakahiga dito at walang malay na akala ko kahapon lang

That Dangerous Girl Is MineWhere stories live. Discover now