♥️Chapter 42♥️

153 8 0
                                    

Inaayos ko na ang sarili ko dahil pupunta ako ngayon sa company para ayusin ang mga kailangang ayusin, inilagay ko na ang neck tie ko at isinuot ang coat

"Bye mom" ako at niyakap siya

"Take care" Mommy

"Si Atasha?" ako

"Maagang umalis may pupuntahan daw"

"Okay" lumabas na nga ako at sumakay na ng kotse

Habang nag dadrive ako ay napadaan ako sa isang private school para sa mga bata na nagsisimula palang mag aral nang mapansin ko ang pagtigil ng isang familiar na kotse at bumaba sa loob ang dalawang bata pati na si Atasha

"Si Atasha, sino ang dalawang batang kasama niya?" taka kung saad

Niyakap ni Atasha ang dalawang bata bago ito magpaalam at pumasok na sa loob, agad akong bumaba at lumapit kay Atasha na nawala bigla ang ngiti ng makita ako

"Kuya, bakit ka nandito?" tanong niya na parang kinakabahan

"Napadaan ako at bigla kung nakita ang kotse mo" ako

"Ahh okay"

"Sino ang dalawang batang hinatid mo?" seryuso kung tanong, may nararamdaman akong iba parang mga anak ni Danica ang kambal

"Anak ng kaibigan ko" sagot niya at halata kung nagsisinungaling siya dahil hindi siya mapakali

"Sa pagkaka alam ko wala pang anak ang mga kaibigan mo Atasha" ako at lalong nilamigan ang boses ko

"Ahh Kuya anak sila ni Sofie" sagot niya

"Huwag kang magsinungaling sakin Atasha, alam mo kung paano ako magalit diba?" ako

"Tita Atasha we forgot something in your car" sigaw ng dalawang bata

Si Devonne at si Dussher nga naka mask at nakahood din sila ngayon at nabigla rin ng makita ako

"Tito Andrew" saad ng dalawa

"Hi nice to see you again" ako at nginitian sila

"Nice to see you too Tito" sagot ni Devonne

"Tita Atasha yung food po namin naiwan sa car mo" si Dussher

"Oh Im sorry" at agad na kinuha ni Atasha ang pagkain sa loob ng kotse

"Thank you Tita, babye po Tito Andrew" at bumalik na sila sa loob

Nilingon ko ulit si Atasha naiiyak siyang nakatingin sa akin at para bang nangangati na ang bibig na magsalita

"Atasha" ako

"Kuya kasi ano"

"Ano?" ako

"Anak ni Ate Danica si Devonne at Dussher" saad niya

"Si Leonel ba talaga ang ama nila?" ako

Pero hindi siya sumagot at ngayoy kita ko na ang pag agos ng luha niya, ayukong mag isip ng iba pero sana anak ko nga talaga ang kambal, sana

"Sagutin mo ako Atasha, si Leonel ba ang ama?" ako

"Ikaw kuya, ikaw ang Daddy ni Devonne at Dussher" sagot niya

"Ako?" may parte sakin na natutuwa ako at meron ding nalulungkot

"Kuya dont tell this to Ate Danica please, magagalit siya sa akin" saad ni Atasha

"Alam ba to ni Mommy?" ako

"Oo Kuya" sagot

Bigla nalang akong sumakay ng kotse at tinungo ulit ang bahay namin gusto ko makausap si Mommy

That Dangerous Girl Is MineWhere stories live. Discover now