♥️Chapter 14♥️

219 11 0
                                    

Hanggang sa naging okay na nga ang pakiramdam ko, nandito pa rin ako sa kwarto nakahiga at may nakalingkis na linta sa likod ko . Hindi na rin ako naka pasok sa afternoon class ko dahil nakatulog ako at kaya ko naman mahabol kung ano man ang mga pinagawa ng prof. namin

"Are you okay now?" tanong niya kaya hinarap ko siya

"Yes, thank you" ako habang nakatingin sa kanya

Ang swerte naman siguro ng babaeng mamahalin niya kahit na paiba iba ang mood niya napaka caring at loving niya pa rin kaya lang minsan bipolar siya at possisive, tssk.. ako raw pala ang mahal niya. Aaminin ko may gusto na talaga ako sa kanya mahal ko siya sa hindi ko malamang dahilan bigla niyang hinalikan ang noo ko na nagpabalik sa wisyo ko dahil sa sobrang pag iisip

"What are you thinking?" tanong niya

"Nagkaroon ka na ba ng past relationships?" yun ang tanong na lumabas sa bibig ko

"Why did you ask?" siya

"Wala lang curious lang ako"

"Meron na dalawa pero napilitan lang ako sa kanila kaya pinag bigyan ko kahit alam nilang wala naman talaga akong nararamdaman, hindi ko rin matatawag na relationship yun kasi nga i didn't love them pero nakuha ko ang pinaka iingatan nila" siya na ikinabigla ko kaya napalayo ako ng kunte

"So play boy ka rin?" ako, aba loko loko rin pala to eh

"Hindi yung dalawa lang naman" siya at hinuli ulit ako pahiga

"Hoy huwag mo akong pinag loloko Mr. Montero" inis kung sabi

"Babe, girl friend ko naman sila before at isa pa hindi ako basta basta pumapatol sa iba no" siya at ngumuso pa sarap ingudngod sa sahig ah

"So ganun din ang gagawin mo sakin pag nakuha mo ang pinaka iingatan ko makikipag hiwalay ka na sakaling maging tayo, hoy hindi ako papayag na basta mo nalang makuha yun ano ka" ako at hinampas siya

"I will never do that to you, I respect you sayo ko lang naramdaman yung totoong love na if you gone I'll be crazy" siya

"Tigilan mo nga ako ng matatamis mong mga salita" at inirapan ko siya 360 degrees

"Nagsasabi nga ako ng totoo kung alam mo lang I really respect you that much" siya

" Siguraduhin mo lang lagot ka sakin torture ka sakin" ako

"Promise, I love you" siya na agad kung ikinapula, marupok ka talaga self sinasabi ko sayo

Today is Saturday at ngayon na nga ang business party, habang pinupunasan ko ang buhok ko ay napaunta sa gown na susuotin ko ang aking tingin may slit siya na talagang expose ang kanang legs ko, tube siya na sa tingin ko luluwa ang dibdib ko dito at silver siya, talagang mapapasabak ako nito kung hindi lang talaga dahil kay Dad

"Lets start na po " sabi ng mag aayos sa akin

"Okay" ako at naupo na paharap sa salamin

"Napaka ganda mo naman po" siya

"Thank you"

After 1 hour na pag aayos at pag prepare ay natapos na naka brush up ang buhok ko, suot ko na ang gown gaya nga ng nasa isip ko expose nga ang dibdib at legs ko pati ang balikat ko tsaka medyo rin sa likod haysst. Inilagay niya na ang mga accessories ko at ang heels rin na silver

"Mauna na po ako" yung babae at lumabas na ito

Sumakay na nga kami sa kotse hanggang sa narating na namin ang event, pagbukas ni kuya Deon ng pinto ay flash ng camera na agad ang bumungad samin isa isa kaming lumabas

"Smile Babe" bulong ng kung sino bago ako hapitin kaya naman hinarap ko siya

"Andrew" ang pogi niya lalo

That Dangerous Girl Is MineWhere stories live. Discover now