♥️Chapter 6♥️

264 13 0
                                    


Padabog akong nahiga sa kama ko, naguguilty parin ako sa nangyari kay Niko kahit hindi naman ako ang may gawa pero dahil sakin kaya siya nagkaganun, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil sa sobrang pag iisip

"Marie anak I love you" boses iyon ni Mommy kaya lumingon ako sa paligid

"Mommy" ako na tuloy lang sa paghahanap sa boses ni Mommy

"Anak help me please" pagmamakaawa ni Mommy na nasa malayo at hindi ko malapitan

"M-mom I can't move my feet" Ako at pilit iginagalaw ang mga paa habang umiiyak

"Anak please help me, I miss you so much please I need you" at bigla nalang siyang nawala

"Mom, Mommy Mommy where are you?" malakas kung sigaw at palinga linga sa paligid

"Dan ,Dan hey wake up" sabi ng isang boses

Kaya agad naman akong nagising at napabangon nandito sina kuya pati si Nanang Belen ,isa lang palang panaginip na parang totoo

"You okay ,masamang panaginip ba?" tanong ni kuya Deon, tumango lang ako

"It's all about tita Mina right?" Kuya Denver

"Yes kuya I saw her in my dream,she needs me" Ako habang pinapakalma ang sarili

"Magpalit ka na ija, kumain na kayo" si Nanang

"Are you okay now?" kuya Dylan

"Yes kuya" Ako

Tumayo na ako at nagpalit agad ring bumaba para kumain, nandito ako sa may pool nagpapahangin at iniisip pa rin ang panaginip na yun

"The dream bothers you right?" nilingon ko siya SI kuya Deon pala

"Yes kuya para siyang totoo eh ,nasaan kaya si Mommy" ako

" Don't worry mahahanap din natin si tita Mina" si kuya

" Sana nga kuya, I really really miss her so much it's already 14 years since I last saw her, I don't know if she's still alive or what" saad ko sabay pumas ng luha, yes I'm crying

"Think positive bunso tita is alive okay, trust me" pagpapagaan niya sa nararamdaman ko tsaka ako niyakap kaya gumanti na rin ako.

Nagising ako Ng 8:00 am puyat ako kasi hindi ako nakatulog sa sobrang pag iisip buti nalang sabado ngayon, pagbangon ko saktong tumunog naman ang phone ko

"Hello" ako without knowing the caller

"Danica may paguusapan tayo papunta na kami sa hideout" si Carlo

"Okay I'll be there" ako

Pagkababa ko ng tawag ay agad akong naligo pagkatapos ay nagsuot ako ng jeans, loss shirt, boots at mask at cap, kinuha ko rin ang phone ko at susi ng motor then bumaba na

"Youre leaving?" si kuya Denver na nasa sofa

"Yes kuya may pupuntahan lang ako" saad ko

"Eat your breakfast first before leaving bunso" kuya Deon

Tumungo muna ako sa dinning area then kumain pagkatapos ay umalis na, pagkarating sa hideout ay tumuloy agad ako sa loob

"Boss" si Gino

"Ms. Ventura" si Amy

"Anong paguusapan natin?" tanong ko ng makaupo sa dulo

"About Uno Guerrero pinapasundan niya ang bawat kilos namin" si Carlo

"Kaya todo ingat kami sa bawat kilos namin" si Carla

"Akala naman siguro ng matandang yun hindi namin mahahalata na pinapasundan niya kami" si Gino

That Dangerous Girl Is MineWhere stories live. Discover now