♥️Chapter 37♥️

152 8 0
                                    

Naka upo ako sa sofa habang nag hihintay sa tatlong chonggo kung kuya na hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi dahil nag bar sila kasama si Leonel

"Bwesit na mga yan" ako

Ilang beses ko na silang tinatawagan pero walang sumasagot kahit isa nang may marinig akong sunod sunod na kotseng pumasok sa gate, naka cross arm lang ako hanggang sa makapasok na sila

"Buti naman at umuwi pa kayo, ipapahanap ko na sana kayo sa police eh" saad ko

"Nakatulog kami sa bar" Kuya Dylan

"Nakatulog sa bar o sa hotel at may kasamang babae?" ako

"Si Dylan lang, kaming tatlo ang mag kasama sa isang room" Leonel

"Babaero ka talaga kahit kailan" at inirapan ko si Kuya Dylan

"Halata ba?" si Kuya Dylan at ngumisi pa

Naupo naman sila sa sofa at ipinikit ang mga mata habang naka hawak sa mga sintido nila

"Ayan kulang pa yan sa alak" saad ko

"Minsan lang naman bunso" Kuya Deon

"Anong minsan gusto niyo isumbong ko kayo kina Mommy at Daddy na iniiwan niyo ako dito sa bahay para mag bar" taas kilay kung saad

"Dan sorry na huwag kang mag sumbong" Kuya Denver

"Oo nga Dan parang hindi naman tayo magkakapatid niyan" Kuya Deon

"Nakalimutan niyo na bang ka buwanan ko na at anytime pwede na akong manganak" ako

"Hindi namin nakakalimutan yun" sagot nila

"Ewan ko sainyo" ako at tumayo na pero pagkatayo ko ay biglang humilab ang tiyan ko na ikinatigil ko kaagad

"Aray" ako ramdam ko ang sakit

"Dan bakit?" Kuya Deon

"Maupo ka muna" Leonel

Naupo nga ako ulit at bigla ng nawala ang sakit na naramdaman ko kanina, kita ko ang pag aalala nila

"Anong problema Dan?" sila

"Sumakit lang, sumipa ata ang kambal" ako

"Gutom na ata sila, gusto mo ba ng gatas?" Kuya Deon

"Sige kuya" ako

Tumayo ako at naglakad lakad habang nakahawak sa tiyan ko nang bigla itong humilab ulit kaya napapikit ako ng mariin at napakapit sa upuan

"Aray" ako

"Dan baka manganganak ka na" si Leonel na agad akong nilapitan

"Oo nga Dan" Kuya Dylan

"Ewan ko hindi ko alam, aray ang sakit" saad ko ng mas lumala pa ito

"Kuya Deon manganganak na ata si Dan" Kuya Dylan, kaya dali daling lumabas si Kuya at nilapitan ako

"Dan relax lang ha" si Kuya Deon na ikinatango ko

"Ate Maria pakuha naman ng mga gamit ni Dan at ng kambal" utos ni Kuya Deon na hindi mapakali

"Sige po Sir"

"Denver tawagan mo si Tita at si Dad" Kuya Deon

"Sige kuya" Kuya Denver

"Dylan patawagan naman si Dok Diaz sabihin mong pupunta na tayo sa hospital kasi naglalabor na si Dan" Kuya Deon

"Sige Kuya" Kuya Dylan

"Aayusin ko lang ang van, Leonel hawakan mo siya"

"Okay okay" Leonel

"Kuya Deon" ako

That Dangerous Girl Is MineWhere stories live. Discover now