♥️Chapter 21♥️

188 11 2
                                    

Isang linggo na rin ang nakaraan ng mag Zambales kami at talaga namang sinulit namin ang linggo na magkakasama kami dun, ewan ko ba basta sinulit namin ang oras at panahon namin dun

"Nakakainis naman hindi pa ako tapos sa mga ihahabol ko sa mga prof" Lara

"So kasalanan ko?" Jerry

"Nag sasabi lang naman" at inirapan niya to

"Natapos ko na sakin, tinulungan kasi ako ni Andrew" ako

"Buti ka pa" Marga

"Tara punta na tayo sa gym manood tayo ng practice nila" Zoey

Pumunta na nga kami sa gym, maraming mga students na nandito nanonood ng practice ng basketball team at pabagsak akong naupo sakto ring break time nila

"Im tired" si Andrew na naupo sa tabi ko at pinatong ang ulo niya sa balikat ko

"Ano ba Mr. Montero hindi ka ba nagsasawang nakadikit sakin?" ako

"No hinding hindi bakit ikaw nagsasawa ka na ba?" siya at lalo pang nag sumiksik sakin

"Malapit na" ako

Kainis kulang nalang magkapalit na kami ng mukha dahil sa sobrang dikit niya at nakayakap pa sa bewang ko ang isang braso

"Love you" bulong niya

"Ewan ko sayo, tapos mo na ba lahat ng kailangan mong ipasa?" ako

"Yeah tapos na" siya

"Hi Danica" agad akong napatingin sa nagsalita, lalaki na para siyang nerd

"What do you need?" tanong ni Andrew na ngayoy naka upo na ng maayos at ang sama ng tingin sa lalaki

"Ibibigay ko lang sana itong chocolate kay Danica" sagot niya

"For what?" Andrew, galit na siya

"Crush ko kasi siya eh" sabi nito, kaya agad napa kuyom si Mr. Possesive slash seloso

"Ah alam mo bang may jowa na siya" Jerry

"Ah ganun ba" malungkot na saad ng lalaki

"Yeah at kung ako sayo umalis ka na baka ano pang magawa ng boyfriend niya sayo" kuya Deon

Napunta ang tingin nitong lalaki kay Andrew na nagpipigil ng galit kanina pa, tatayo na sana siya nang pigilan ko at hawakan ang kamay niya

"Kung gusto mo pang mabuhay umalis ka na" kuya Denver

"Ah alis na ako" yung lalaki

"Teka akin na lang yang chocolate mo, thanks" at kinuha ni Leonel ang chocolate bago tuloyang umalis yung lalaki

Pagkaalis nung lalaki ay ang sama sama naman ng tingin ni Andrew sa akin ngayon

"Bakit? Anong ginawa ko?" taas kilay kung tanong

"Tsskk." siya at tumayo sabay kuha ng bola kay Leonel

"Selos ba?" sabay sabay na sabi ng mga tropa niya

"Shut up" si Andrew at bumalik na sa court

Nagsitayuan na nga rin ang mga ito maliban kay Leonel na naupo sa tabi ko habang kumakain pa rin ng chocolate

"You want?" sabay alok niya ng chocolate

"No thanks baka lalong mag alburuto sa galit yung isa" ako at isinandal ang likod sa upuan

"Napaka seloso talaga kahit kailan" siya na ikinatawa ko

"Stop laughing with him" si Andrew at masama na naman akong tiningnan

That Dangerous Girl Is MineWhere stories live. Discover now