♥️Chapter 28♥️

147 11 0
                                    

Nandito ako sa may parking lot ng hospital pupunta ako sa jollibee kasi gusto ko kumain ng burger, fries at sundae yun ata ang gusto ng anak ko kaya takam na takam ako dun nang tumawag si Leonel

"Hello Dan, nasaan ka?" tanong ni Leonel

"Papunta ako sa jollibee" ako

"Bakit di ka nag sabi para masamahan kita" siya

"Nandiyan kaya sila kuya"

"Sasamahan kita hintayin mo ako diyan" siya

"Huwag na mabilis lang naman ako eh at isa pa baka dumiretso na ako sa bahay namin" ako

"Sure ka ba?" siya

"Oo nga, relax magiingat kami ni baby okay nandito naman yung hoody mo sakin eh" ako

"Okay fine basta magingat ka" siya

"Yes Sir" saad ko

Pagkatapos ng tawag ay pumasok na ako sa loob ng kotse ko at nagmaneho papunta sa jollibee, pagkarating ko ay nagsuot ako ng hoody at agad pumasok sa loob

"Two burger, 2 large fries and 1 sundae" sabi ng crew

"Thank you" saad ko ng makuha na ang order

Pumunta ako sa second floor tsaka naupo sa pinaka dulo at doon na nilantakan ang mga inorder ko

"Ang sarap" saad ko ng matapos makain lahat ng inorder ko

Napatingin ako sa tiyan ko at hinaplos ito ng paulit ulit, masaya ako na may halong lungkot kasi kawawa ang anak ko dahil magulo ang paligid at lalaki siyang walang ama

"Anak paglabas mo pangako ko sayo na aalagaan kita palagi at iingatan, mahal na mahal kita anak" ako

Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko, lalo talaga akong nagiging emosiyonal dahil sa pagbubuntis ko

Napag desisyunan ko ng umalis na at agad na pinuntahan ang kotse ko, pag pasok ko ay agad kung inistart ang kotse, idadrive ko na sana ito nung may makita akong tao sa back seat

"Sino ka?" tanong ko

Agad kung kinuha ang baril ko pero tinakpan niya agad ng panyo ang bibig at ilong ko

"Umm, umm" ako na pilit inaalis ang kamay niya

May naamoy akong pabango na nagpahilo at nagpabigat ng nararamdaman  ko para akong pagod na hindi ko maintindihan

"Sleep my love" rinig kung bulong nito bago ako nawalan ng malay

Pag mulat ko ng mata ay madilim na kwarto ang bumungad sa akin ilaw lang sa lampshade ang nag bibigay ng liwanag dito sa kwarto, napatingin ako sa paligid hindi pamilyar ang lugar na to sa akin kaya agad akung napabangon pero  natigilan rin ng makitang naka posas ang kaliwang kamay ko

"Gising ka na pala mahal ko" sabi ng boses galing sa pinto

"Sino ka? Pakawalan mo ako dito" ako at pilit na tinatanggal ang posas

"Huwag mo ng tangkaing alisin ang posas ikaw lang naman masasaktan" saad niya at dahan dahan itong naglakad palapit

"Sino ka ba? Anong kailangan mo sakin?" sigaw ko

"Relax love" siya at tsaka ko nakita ang mukha niya

"Miguel Reyes" gulat kung saad ng makita siya

"Yes its me" at naupo ito sa side ng kama

"Gag* ka anong kailangan mo sakin?" galit kung sigaw

"Gusto kung makaganti sa ginawa sakin ni Andrew Montero noon halos mabasag ang mukha ko dahil sa kaniya at ikaw lang naman ang kahinaan niya hindi ba?"nakangising sagot niya

That Dangerous Girl Is MineWhere stories live. Discover now