♥️Chapter 11♥️

234 15 0
                                    

Kumakain kaming lima pero wala ni isa ang nag sasalita, tunog lang ng mga kubyertos ang maririnig

"Mga anak ayuko ng ganito tayo lalo na pag nasa harap ng pagkain, we need to talk later okay" si Dad at tumango lang ako ganun din sila

Pagkatapos kumain ay dumiretso kaming lahat sa living area, naupo ako sa pang isahan ganun din si Dad tapos yung tatlo nasa long sofa

"Im sorry about last night Dad" mahina kung sabi habang naka yuko

"Sorry din anak, naiintindihan kita pero please take care of yourself always" si Dad

"Yes Dad I promise" ako at tsaka nilingon yung tatlo na nakatingin pala sakin

"Im sorry bunso" kuya Deon

"Sorry din mga kuya kasi naglihim ako sainyo" ako

"Its okay bunso" kuya Deon

"But when you need help ,we are here" kuya Denver

"Pinoprotektahan ka lang namin Dan yun lang" kuya Dylan

"Alam ko naman yun" ako

Tumayo yung tatlo at agad akong niyakap tsaka hinalikan sa ulo

"Aray" daing ko

"Sorry may sugat ka pala" si kuya Deon kaya sinamaan ko sila ng tingin

Pagkatapos nga namin mag usap umakyat na ako sa kwarto para mag pahinga, pumasok na kasi si Dad sa companyat yung tatlo pumasok na sa University nang tumunog ang phone ko at agad itong tiningnan

'How are you? Okay ka na ba?' text ni Andrew

'Humihinga pa naman buhay pa' reply ko

'Tssk.' reply niya lang

'Magpapahinga na ako isturbo ka' ako

'Okay take care, I love you' reply niya na biglang ikinabilis ng kabog ng puso ko, sa kilig ba?

Inilapag ko ang phone sa tabi ko at pipikit na sana nang tumunog na naman ito pero this time tumatawag na

"Hello" ako without knowing the caller

"Ms. Ventura si Eunice po ito"

"Yes Eunice?" ako at naupo

"Ms. meron pong business party ang lahat ng companies in the Philippines at ang awarding po sa 10 outstanding companies po, pupunta ka po ba?" tanong niya

"Kailan?" ako

"Sa sabado po" siya

"Okay I will come" saad ko

"They are very excited to meet you Ms. and a big surprise to your Dad and your brothers" si Eunice kaya naman napangiti ako

"Oo nga eh oras na siguro para magpakilala and you will come with me" sabi ko

"Ako po?" siya

"Oo ikaw sino pa ba ikaw ang secretary ko diba" ako

"Opo Ms."

"Sige na magpapahinga pa ako, just call me if there's a problem" ako at binaba na ang tawag

Tsaka ako nahiga ulit sa kama, ano kayang reaction ni Daddy at tatlo kung kuya na ako ang CEO ng DMLV, private kasi lahat ng information ko at time na rin para magpakilala isa pa kilala naman na ako ni Guerrero at mag sisimula na ako

"Danica ija" katok ni Nanang Belen sa pinto

"Bakit po?" tanong ko habang diretso lang ang tingin sa kisame

"May naghahanap sayo sa ibaba nobyo mo ata" si Nanang kaya agad akong napa upo na sana hindi ko nalang ginawa kumirot mga sugat ko ehh

"Ano po? nobyo?" gulat kung tanong

That Dangerous Girl Is MineWhere stories live. Discover now