♥️Chapter 25♥️

157 7 0
                                    

Nandito ako sa Company ngayon dahil sa mga kailangang tapusin at kakagaling ko lang sa University, isang linggo na ang nakakaraan ng may mangyari sa pagitan namin ni Andrew at hindi ko pa siya nakikita simula nun

"Hello Dan nasaan ka?" si Carlo sa kabilang linya

"Nasa company ako ngayon bakit?" ako

"Dan alam ko na kung sino ang may ari ng itim na kotseng iyon" si Carlo

"Ano? Sino?" tanong ko at napatayo

"Si Uno Guererro" saad niya na bigla nalang ikinakuyom ng kamao ko

"Sinasabi ko na nga ba eh siya ang may kasalanan" galit na galit kung saad

"Anong gagawin natin ngayon?" tanong niya

"Sugurin na natin siya ngayon mismo, hindi ko na ito papalampasin pa" saad ko

"Ipapahanda ko na ang mga tao natin" siya

"Sige" ako at pinatay ko na ang tawag

Binaba ko ang phone ko tsaka lumapit ako sa drawer at inilabas ang baril na itinatago ko sakto rin na pumasok si Tito

"Ma-..." naputol ang sasabihin niya ng mapatingin siya sa hawak ko

"Where are you going Marie?" kinakabahang tanong ni Tito

"Papatayin ko si Guererro dahil pinatay niya si Nanay Yolly, pag babayarin ko siya" at naglakad na ako palabas ng pinto pero hinawakan ni Tito ang braso ko

"Marie" tiningnan ko ang kamay niyang nasa braso ko kaya binitawan ito ni Tito

Ayuko kasi sa lahat ang piniligilan ako lalo na kapag galit na ang umiiral sa akin kahit kapamilya ko pa

"Gagawin ko to Tito" ako at umalis na

Sumakay ako ng kotse at nakasunod ako sa tatlong van sakay ang mga tauhan ko at sina Gino

"Ms. Ventura sa mismong mansiyon ba tayo ni Guererro?" tanong ni Gino

"Yes Gino" ako

Hanggang sa narating na namin ang mismong bahay ni Guererro pero hinarang kami ng mga gwardiya

"Bawal kayong pumasok dito" sabi ng gwardiya

"Si Guererro nasaan?" ako

"Wala siya dito at isa pa bawal kayong pumasok, tresspassing kayo"

"Edi ilabas niyo si Guererro" ako

"Wala siya dito"

"Huwag mo akong pinag lololoko" ako

"Wala nga dito si Mr. Guererro" at tinutukan niya ako ng baril

Itinutok din lahat ng tauhan ko ang baril na hawak nila sa dalawang gwardiya na nasa harap namin

"Sige ituloy mo" utos ko pero hindi niya ginawa at  ibinaba niya ang baril

"Umalis si Mr. Guererro" sabi niya ulit

"Halughugin niyo ang buong bahay" utos ko

Tinutukan ng iba kung tauhan ang dalawang gwardiya kaya nakapasok kami sa bahay, hinanap namin sa bawat sulok ng bahay pero walang tao dito

"Wala po Ms." si Gino

"Lumikas na siya dahil alam niyang susugurin ko siya" ako

"Ano pong gagawin natin?" Gino

"Pasabugin niyo ang bahay na ito at patayin niyo yung dalawang gwardiya" utos ko

"Opo"

Pinatay na nila ang dalawang gwardiya at pinasabog ang bahay ni Guererro bago kami umalis dun

That Dangerous Girl Is MineDonde viven las historias. Descúbrelo ahora