♥️Chapter 33♥️

165 7 0
                                    

Nandito na ako sa tapat ng abandonadong ware house, ito kasi yung location na sinend nila sakin kanina kahit hindi ako sigurado kung nandito nga sila o baka patibong lang, inakyat ko ang pagkataas taas na bakod at tsaka tumalon sa kabila

Inilabas ko ang baril ko bago dahan dahang pumasok sa loob, maingat ang bawat hakbang ko at iniiwasan ko ang makagawa ng ingay, agad akong napayuko ng may bumaril sa pwesto ko at nagtago sa likod ng poste

"Nandito na ang hinihintay nila boss maging alerto kayo" rinig kung sigaw ng isa

"Nakapasok na siya" sigaw pa ng isa

Naglakad na ulit ako ng dahan dahan at nag tago sa mga imbak na kahoy dahil may parating na naman

"Ayun siya" sigaw ng isa pero agad ko na siyang nabaril

Tumakbo ako papasok at bawat nakakasalubong kung kalaban ay binabaril ko na agad, parang may cctv dito at binabantayan ang bawat galaw ko

"Danica Ventura dumating ka nga" saad ng boses na hindi ko alam kung saan galing

"Nasaan ang mga kaibigan ko, ang mommy ko, magpakita kayo sakin" sigaw ko

May mga kalaban na papalapit sakin kaya binaril ko sila hanggang sa maubusan ako ng bala, wala akong nagawa kundi ang itapon nalang ang baril at mano mano makipaglaban sa kanila

"Bwes*t" saad ko dahil sumugod na nga sila

Isa isa ko nga silang nilabanan at inilabas ko ang balisong ko, pag nakakalapit sila sakin ay agad ko ng sinasaksak sa leeg. May mga hawak silang mga pamalo na tubo, bawat hampas nila ay iniiwasan ko dahil baka tiyan ko ang tamaan nang hampasin ng isa ang kamay ko kaya nabitawan ko ang balisong

Inagaw ko ang hawak niyang tubo at agad itong hinampas sa mukha niya, gamit ko lang ang isa kung kamay at ang paa ko, marami akong napatumba sa kanila pero hindi ko rin kinaya dahil nakaramdam na ako ng pagod at sobrang sakit ng kamay ko

"Oh ano kaya mo pa bang lumaban?" saad ulit ng boses

Hinawakan nila ako sa magkabilang braso at hinila sa diko alam kung saan pero dito pa rin sa loob ng ware house, hanggang sa marating namin ang malawak na espasiyo  at tinulak nila ako paluhod

"Dan" may tumawag sakin na ikinalingon ko agad

Sina Jerry, Marga, Lara ar Zoey na nasa dulong parte habang nakagapos sila sa upuan paharap sa pwesto ko

"Okay lang ba kayo? Wala ba silang ginawa sainyo?" tanong ko

"Wala naman Dan, nakagapos lang kami dito" Lara

"Danica Ventura" saad ulit ng ibang boses

"Uno Guererro hay*p ka" susugurin ko sna siya ng mahawadan ako ng mga tao nila

"Relax, sige ikadena niyo na yan" utos niya

Pinatayo nila ako at itinali ang magkabila kung kamay gamit ang kadena habang nakatayo, dahan dahan namang lumapit sa harapan ko si Guererro gusto ko siyang sapakin

"Hindi mo ako masasaktan Danica" saad niya at tumawa pa

"Demony* ka, ikaw pala ang pumatay kay Nanay Yolly" sigaw ko sa kaniya

"Oo tama ka" saad niya

"Pag ako nakaalis dito dadalhin kita sa impyern*" sigaw ko

"Talaga ba? Kaya lang hindi ka naman makaka alis diyan" siya

Sa sobrang galit ko ay dinuraan ko siya sa mukha pero malakas na sampal ang iginanti niya sa akin, parang matatanggal ang mukha ko at may nalasahan din ako na kunting dugo

That Dangerous Girl Is MineWhere stories live. Discover now